Section : Mga Sakit Sa Balat

Kondisyon Ng Balat Sa Paligid Ng Mata (Tagalog)

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

Kontak Dermataytis sa Takipmata

  • Ang mga gamit pampaganda at panlinis ng balat ay karaniwang nilalagay sa takipmata o pilikmata. Ang mga ito ay maaring maging sanhi ng pagkairita o alerhiya sa mga pasyente na sensitibo sa ganitong uri ng mga pampaganda o panlinis ng balat.
  • Ang mga pasyente ay magrereklamo ng pangangati, pagkapaso o pamumula.
  • Ang mga palatandaan ng kontak dermataytis ay pamamaltos, pamumula o pangangaliskis.
  • Kung nagsususpetsa na mayroong alerhiya, dapat gawin ang pagsusulit- tagpi o patch test para makumpirma na mayroong alerhiya at malaman kung ano ang pinagmumulan na gamit-pampaganda o kemikal na magdudulot nito. Dapat iwasan ang mga gamit-pampaganda na ito para maghilom ang kondisyon.
  • Ang mga pampatak sa mata, kontak lens at mga gamot ay maari ring maging sanhi ng dermataytis sa takipmata. Kung ikaw ay mayroong dermataytis sa takipmata, dapat magpakonsulta sa iyong duktor para magpasailalim sa pagsusuri kung kinakailangan.

Atopy Dermataytis

  • Ang atopy dermataytis ay isang minamanang kondisyon sa balat.
  • Ang mga pasyenteng naaapektuhan ay mayroong atopy dermataytis sa takipmata. Ang balat ay mamula-mula, makaliskis at tumatagas. Karaniwan ang pangangati.
  • Kung minsan ang aporo ng mata at takipmata ay maaapektuhan ng atopy dermataytis at makakadulot ng pagkirot ng mata. May lumalabas na tubig sa mga mata at ang mga ito ay nagiging sensitibo sa liwanag. Kung naapehtuhan ang takipmata o ang mga mata, magbibigay ang iyong duktor ng pampatak sa mata at krim para sa iyo. Ang mga krim ay makakatulong.
  • Maraming mga pasyente ang mayroong alerhiya din sa alikabok. Ang alikabok sa bahay ay maaring magpalala ng pamamaga ng mga mata.

Impeksyon sa Balat Dulot Ng Bakterya (Singaw Sa Balat o Pamumula Ng Mata)

  • Tulad ng balat sa ibang parte ng katawan, ang takipmata ay pwedeng mahawaan ng bakterya
  • Ang mata ay magpapakita ng makapal, malagkit at dilaw na lumalabas at ang mga takipmata ay magiging mapula na may dilaw na pagbabalat.
  • Ang singaw sa balat ay karaniwang makikita sa mga bata.
  • Wastong pangangalaga sa kalusugan at antibyotiko ay kinakailangan upang limasin ang bakteryal impeksiyon.

Kolesterol Deposito sa Ilalim Ng Balat Ng Takipmata o Xanthelasma

  • Ang mga ito ay pantay hanggang angat na mga madilaw-dilaw na plaka sa itaas at ilalim na bahagi ng takipmata
  • Ang mga ito ay may kaugnayan sa mataas na kolesterol sa dugo o mataas na antas ng triglycerides sa mahigit 20% ng mga tao na may ganitong kondisyon. Kung minsan, may katulad na problema sa kasaysayan ng mga magpamilya.
  • Ang kolesterol deposito sa ilalim ng balat ng takipmata o xanthelasma ay maaring tanggalin sa pamamagitan ng pag-oopera o laser o paggamot ng kemikal.
  • Ang ganitong sakit ay maaring magbalik
  • Ang mga pasyente na may mataas na kolesterol o triglyceride ay dapat kontrolin ang antas ng kanilang taba bago magpaopera.

Xanthélasma

Xanthelasma

Bukol sa Glandula ng Pawis o Syringoma

  • Ang mga ito ay maliliit na bukol na kulay- balat sa mga takipmata
  • Maraming mga miyembro ng pamilya ay maaring magkaroon ng parehong mga bukol na ito.
  • Ang mga bukol na ito ay hindi nakakapinsala
  • Ito ay mga pinalaking bukol sa ilalim ng mga buong glandula ng pawis
  • Ang mga syringoma ay karaniwang lumilitaw sa panahon ng kabataan at karampatang gulang.
  • Karamihan sa mga tao ay pumipili na tantanan ang mga bukol na ito. Ang mga bukol na ito ay maaring tanggalin sa pamamagitan ng pag-oopera o laser dahil sa mga kosmetikong dahilan.

Sibol- Balat o Skin Tags (Acrochordon)

  • Ang mga ito ay paglaki sa balat na makikita sa paligid ng mga mata at mga takipmata sa ibang mga indibidwal.
  • Magkatulad na pagtubo ang makikita sa leeg at dibdib
  • Ang mga pagtubo na ito ay kulay-balat at hindi nakakapinsala
  • Ang paggamot ng mga ito ay hindi kinakailangan ngunit maaring tanggalin ang mga ito sa pamamagitan ng pag-oopera para sa mga kosmetikong dahilan.

Molluscum pendulum (herniation simple superficielle de la peau)

Skin Tags

Milia

  • Ang mga ito ay maliliit na puti o naninilaw na puti na pagtubo ng balat na madalas makikita sa mga takipmata o templo.
  • Ang mga ito ay maliliit at magkahawig ng buto dawa
  • Ang mga ito ay maaring tanggalin sa pamamagitan ng pag-oopera para sa mga kosmetikong dahilan
  • Ang mga ito ay kumakatawan ng mga baradong daluyan ng pawis

Milia

Milia

Madilim Na Mga Bilog Sa Paligid Ng Mga Mata

  • Ang madilim na pagkaitim sa mga takipmata ay karaniwan sa mga indibidwal na may madilim na balat.
  • Sa maraming kaso, ang pagdilim ay tila nag-iiba sa stress o kakulangan sa tulog
  • Ang kondisyon na ito ay kaaya-aya at maaring minana o konstitusyonal
  • Hindi ito senyales ng anumang sakit
  • Ang paggamot nito ay hindi kinakailangan. Walang epektibong paggamot laban sa kondisyon na ito.

Balat ni Ota o Naevus  ni Ota

  • Ito ay balat na nangyayari sa kapanganakan o ilang sandali pagkatapos ng kapanganakan bilang tagpi na asul-itim na pagkawala ng kulay sa pisngi, templo o takipmata.
  • Karaniwan na isang bahagi lang ng mukha ang apektado kahit na paminsan-minsan ang magkabilang panig ng mukha ay kulay asul at may itim sa puti ng mata
  • Ang pagkulay ng Naevus ni Ota ay pwedeng mabawasan sa pamamagitan ng pigment laser surgery o pag-oopera gamit ang pangulay na laser. Ang mga pasyente ay nangangailangan ng maramihang paggamot sa 2-3 buwan pagitan. Ang pagkulay sa balat lamang ang pwedeng maggamot.

Balat ni Ota o Naevus ni Ota

Kulay-Presang Balat o Strawberry Naevus.

  • Ang mga ito ay mga balat na may maraming daluyan ng dugo
  • Maari itong lumitaw bilang isang malaking pulang malambot na pagtubo sa mga takipmata
  • Ang pagtubo ay patuloy na lalaki at lalago habang ang sanggol ay lumalaki pero ang paglago ay babagal kung ang bata ay nasa 3-4 taong gulang na:
  1. Kung ang mga maugat na pagtubo ay maliliit, maari silang iwan at hintayin hanggang mawala
  2. Kung ang mga ito ay malalaki at sumasakop sa takipmata, maring maapektuhan ang paningin. Dapat silang bigyan ng lunas. Kabilang sa mga paggamot ay ang pag-inom ng gamot, iniksyon o pagputol gamit ang laser o ilaw.

Mantsang Bino o Portwine Stain

  • Ito ay isa pang maugat na balat
  • Nagpapakita ang mga ito bilang malapad at mapulang mga tagpi sa takipmata at balat ng mukha sa kapanganakan
  • Ang mga ito ay hindi tulad ng strawberry naevus at hindi kusang nawawala habang lumalaki ang bata:
  1. Ang mga maugat na balat na ito ay kumakapal at makikita na mayroong umbok ng mga daluyan ng dugo.
  2. Muli, ang mga pagtubo na ito ay hindi kusang nawawala at kinakailangang gamutin. Karamihan sa mga mantsang bino o portwine stain ay tumutugon sa paggamot gamit ang vascular laser o ilaw para sa mga ugat. Ang mga pasyente ay kailangan magpasailalim ng maramihang paggamot gamit ang laser o ilaw sa loob ng 3 buwan pagitan upang makamit ang pinakainam na resulta.

© 2009

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland
National Skin Centre. Singgapur
Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna

English العربية 中文-汉语 中文-漢語 Deutsch Español Français Italiano 日本語 Português 한국어 русский язык


Category : Kondisyon Ng Balat Sa Paligid Ng Mata - Modifie le 02.18.2012