Mga Reaksyon Sa Gamot (Alerhiya sa Gamot) (Tagalag)
Ano ang soryasis?
- Ito ay isang kondisyon ng balat na may pamamaga.
- Ang mga selulang nakakalusot na sangkot sa pamamaga ay naghihikayat ng iba pang mga kalahok upang pagyamanin ang proseso ng pamamaga.
Ano ang mga pagkakataon ng pagkakaroon nito?
- Ang proporsyon ng soryasis sa populasyon ay 2%. Ang porsyentong ito ay mas mataas sa ibang rehiyon, lalo na sa hilagang Europa.
- Ang kondisyon ay maaaring magpakita sa anumang edad, ngunit nakikilala sa tuktok ng edad: ang unang tuktok ng edad ay nasa pagitan ng 20 at 30 taong gulang, at ang pangalawa ay nasa pagitan ng 50 at 60.
Ano ang hitsura nito?
- Maraming uri ang inilalarawan ayon sa pagtatanghal nito (plaka soryasis, pustular soryasis, guttate soryasis) at lokasyon (soryasis ng anit, soryasis sa kuko, kabaligtaran na soryasis). Ang mga lesyon ay maaari ring maisasalokal sa mga dating lugar na naapektuhan (Koebner phenomenon (Kobner, Köbner).
- Ang pinaka-karaniwang uri ay ang plaque psoriasis. Ang sugat ay binubuo ng mga plaka na may mapulang ibaba at makapal at makaliskis na ibabaw (kulay-pilak na kaliskis). Ang mga sugat na ito ay matatagpuan sa mga tuhod, puwit, siko, anit). Matatagpuan din ang mga lesyon sa kuko (magaspang, malangis, at mga butas sa kuko) at sa bunganga (geograpikal na dila). Ang pagkuskos sa mga lesyon sa ibabaw ay tulad ng pagkuskos sa kandila na may “waks”na kaliskis; ang pagkuskos ng mas malalim ay magdudulot ng pagdudugo (Auspitz sign).
- Ang soryasis ay tinutukoy bilang kondisyon ng balat na hindi makati. Gayunpaman, hanggang sa ikatlong porsyento ng mga pasyente ang nagrereklamo ng pangangati.
Psoriasis (Tipong Plaka)
Bakit ako may soryasis?
- Ang mas mataas na pagtubo ng mga selula na makikita sa soryasis ay dahil sa kumbinasyon ng mga kadahilanang genetiko AT pangkapaligiran.
- Mga genetikong kadahilanan: Karaniwang tinatanggap na ang pagmamana ay may papel na ginagampanan at iba’t ibang mga genetikong anyo ang matutukoy. Ang genetikong koneksyon na ito ay maaring maging ebidensiya sa tunay na mga kambal (monozygotic): kung ang isa ay apektado, ang kambal niya ay 70% na magkakaroon din ng soryasis. Gayunman, ang kawalan ng 100% na koneksyon ay nagmumungkahi na ang genetikong koneksyon ay hindi sapat upang ipaliwanag kung bakit ang soryasis ay bumubuo.
- Mga environmental na kadahilanan: ang ilang mga kadahilanan ay natukoy ngunit sa karamihang mga kaso, ang mga ito ay mananatiling misteryo. Ang soryasis ay bumubuo sa pamamagitan ng iniinom na gamot tulad ng lithium, beta-blocker na para sa hypertensyon at mga antimalarial… Ang stress ay nauugnay sa pag-unlad o paglala ng soryasis. Bilang karagdagan, ang isang mababang tipo ng soryasis na tinatawag na guttate soryasis ay dahil sa bacterial na impeksiyon (Stretococcus).
Maari ba itong magamot?
- Ang sugat ay maaaring bumuti at kung minsan ay nawawala dahil sa paggamot ngunit ang soryasis ay nananatili at ang mga lesyon ay muling lumilitaw ng kusa kung ang paggamot ay tigilan.
- Ang guttate soryasis ay minsan gumagaling pagkatapos ng paggamot gamit ang mga antibiotiko.
Paano ito ginagamot?
- Bago gamutin ang soryasis, mahalaga na matukoy mo muna kung ano ang resulta na nagpapasaya sa’yo. Ang ilan ay masaya na kapag humihinto na ang nakakahiyang pagbagsak ng makapal na mga kaliskis habang ang iba naman ay nagnanais ng kumpletong pagbahaw:
- ang mga krema / mga pamahid ay kinabibilangan ng: moisturizer, alkitran, steroid (mga corticosteroid), at mga gamot galing sa bitamina D).
- paggamot gamit ang liwanag (pototerapewtika), PUVA, UVB.
- mga iniinom na gamot: gamot na galing sa bitamina A, ciclosporine, methotrexate …
- paggamot sa pamamagitan ng mga iniksyon: mga biologiko
© 2009
Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland
National Skin Centre. Singgapur
Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna
English Français Italiano 日本語 Deutsch
Related posts