Ang iyong doktor ay may iniresetang gamot laban sa halamang-singaw para sa iyo.
Saan ginagamit ang mga antifungal?
Ang mga antifungal ay ginagamit sa paggamot ng mga impeksyon na sanhi ng halamang-singaw. Ang mga organismo na ito ay maaaring makaapekto sa balat, anit, kuko ng daliri, kuko ng daliri ng paa, puki at sa bituka. Kapag ang impeksiyon ay nakakaapekto sa bituka at lumalawak o hindi gumagaling, ang iyong doktor ay maaaring magreseta ng antifungal na iniinom. Ang gamot na ito ay inirereseta para lamang sa iyong kasalukuyang medikal na kondisyon at hindi dapat ibigay sa ibang tao o gamitin para sa iba pang mga problema.
Paano ko dapat inumin ang mga antifungal?
- Ang mga iniinom na antifungal ay nasa kapsula, tableta, gel o likido. Inumin ang gamot ayon sa direksiyon ng iyong doktor.
- Karamihan sa mga antifungal na iniinom ay dapat ginagamit pagkatapos kumain dahil pinakamahusay na sila ay hinihigop sa pagkain. * Kung ikaw ay niresetahan ng gel para sa bunganga o likido para sa paggamot ng fungal impeksiyon sa bibig o bituka, pinakamahusay na panatilihin ang gamot sa bibig sa loob ng 5 minuto bago lunukin.
- Para sa epektibong paggamot, dapat mong kumpletuhin ang buong kurso ng iniresetang gamot, kahit na may mga palatandaan ng pagpapabuti. Ito ay dahil ang mga fungal na impeksiyon ay karaniwang tumatagal ng mahabang panahon bago tuluyang mawala. Kung huminto ka sa paggamit ng gamot na ito sa lalong madaling panahon, ang mga sintomas mo ay maaaring bumalik.
Ano ang dapat kong gawin kung nakalimutan ko ng isang dosis?
- Gamitin ang napalampas na dosis habang natatandaan mo pa. Inumin ang anumang natitirang dosis para sa araw na iyon na may pantay-pantay na espasyo sa pagitan.
- Kung higit sa 24 oras na ang lumipas pagkatapos mong palampasin ang dosis, huwag gamitin ang napalampas na dosis. Ipagpatuloy ang iyong regular na iskedyul ng pag-inom ng gamot. Huwag doublehin ang iyong dosis.
Ano ang mga iba pang mga epekto ng paggamit ng mga antifungal?
Ang ilang mga epekto ng gamot na ito ay hindi karaniwan at maaaring mawala sa panahon ng paggamot.Kung alinman sa mga sumusunod na epekto ay magpumilit o maging malubha, kumonsulta sa iyong doktor: Pagduduwal, pagkasira ng tiyan, pagsusuka. Ang pag-inom ng gamot kasama ng pagkain ay karaniwang nagpapaluwag ng mga epekto na ito.
- Pagtatae
- Pagkahilo o pagkaantok. Kung apektado, huwag magmaneho, magpapatakbo ng makinarya o gumawa ng anumang trabaho na nangangailangan na ikaw ay maging alerto.
- Mga pantal sa balat o pangangati
- Problema sa pagtulog
Kumonsulta sa iyong doktor sa lalong madaling panahon kung ang karagdagang mga epekto ay mangyari, dahil maaari silang magpahayag ng mas malubhang epekto:
- Mataas na lagnat
- Madilim na kulay ng ihi, o
- Maputlang kulay ng dumi
- Hindi pangkaraniwang pagkahapo o kahinaan
- Dilaw na mga mata o balat
Ano ang pag-iingat na dapat kong gawin?
- Bago inumin ang gamot na ito, i-konsulta sa iyong doktor kung ikaw ay buntis, nagbabalak sa magbuntis o nagpapasuso.
- Iwasan ang inuming alkohol habang ikaw ay gumagamit ng gamot na ito. Ang alak ay maaari ring magpataas ng panganib ng mga problema sa atay kapag kasama ang iba pang mga antifungal.
- Kung ikaw ay umiinom ng ketoconazole tablet at niresetahan ng gamot para sa ulser tulad ng cimetidine o ranitidine o iba pang mga antacid, inumin ang mga ito ng hindi bababa sa 2 oras pagkatapos mong inumin ang ketoconazole. Kapag ininom sa parehong oras, ang mga gamot na ito ay magbabawas ng pagsipsip at samakatuwid ng pagiging epektibo ng ketoconazole.
- Ang Griseofulvin ay maaaring magbawas ng pagiging epektibo ng iyong iniinom na kontraseptibo. Kumunsulta sa iyong doktor.
- Ipagbigay-alam sa iyong doktor ang anumang mga gamot na iniinom mo.
- Ipagbigay-alam sa inyong doktor kung nagkaroon ka ng anumang hindi pangkaraniwan o alerhiyang reaksyon sa iba pang mga antifungal o mga penicillin. (Sa ilang mga pagkakataon, ang mga taong may alerhiya sa mga penicillin ay maaari ring maging alerdye sa ilang mga antifungal)
Paano ko dapat itago ang mga antifungal?
- Iimbak ang gamot na ito at ilayo sa init at direktang liwanag ng araw, sa malamig at tuyong lugar, na hindi maaabot ng mga bata.
- Huwag panatilihin ang gamot na magsama sa iba pang mga gamot sa parehong lalagyan. Panatilihing hiwalay ang bawat gamot sa mga lalagyan na may pangalan.
Kapag may pagdududa, kumonsulta sa iyong doktor o parmasyutiko.
© 2009
Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland
National Skin Centre. Singgapur
Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna
English Español Français Português русский язык 日本語 Italiano Deutsch