4-Hydroxyanisole (4-OHA) (Tagalog)
- Ang produktong ito ay kilala bilang benoquin. Ang benoquin ay isang epektibong pampaputi ng balat at pwedeng magdulot ng kumpleto at permanenteng pagputi ng balat. Hindi kailanman dapat gamitin ang Benoquin sa normal na balat upang makabuo ng maputing kutis at hindi rin dapat itong gamitin bilang gamot sa mga hyperpigmentary na karamdaman tulad ng melasma, mga pekas, at mga liver spot …
- Ang tanging indikasyon sa paggamit ng benoquin ay ang paggamot ng malawak na vitiligo. Sa ganitong kalagayan, ang normal na maitim na mga lugar ng balat na nakapalibot sa mga lesyon ng vitiligo ay mapapaputi para pantay ang kulay ng balat. Kung ang benoquin ay gamitin sa normal na balat, malamang ito ay gagawa ng hindi-unipormeng pagputi, ie, maaari itong magdulot ng mga mapuputing tagpi. Ang mga tagping ito ay may posibilidad na magiging permanente. Ito ay totoong mangyayari din kung ang benoquin ay ilalapat sa mga hyperpigmented na lesyon tulad ng melasma at freckles, ie, maaari itong magpaputi ng hyperpigmented at normal na balat ng pareho.
- Sa kabila ng mga epekto na maaaring lumabas mula sa hindi naaangkop na paggamit ng benoquin, ang produktong ito ay karaniwang gumagawa ng lubos na kasiya-siyang resulta sa mga pasyente na may vitiligo. Ang benoquin ay inilalapat sa normal na lugar na maitim isa o dalawang beses sa isang araw. Ito ay nagpapaputi ng dahan-dahan sa loob ng ilang linggo (mas matagal na panahon, hanggang sa ilang mga buwan, ay maaaring kinakailangan para sa ilang mga indibidwal para tuluyang pumuti). Ang benoquin ay nagpapaputi ng unipormeng pagkaputi sa mga pasyenteng may vitiligo hindi tulad sa normal na mga indibidwal. Ito ay dahil na ang mga melanocytes ng mga pasyente na may vitiligo ay mas nagreresponde sa benoquin. Ang epekto na nagpapaputi ng benoquin ay karaniwang makikita pagkatapos ng 2-4 buwan pagkatapos ng isang araw-isang beses na paggamit. Kung hindi maganap ang pagpaputi sa loob ng panahong ito, tulad ng kaso ng ilang mga indibidwal, inirerekomenda ang benoquin na may dobleng lakas na naglalaman ng monobenzone 40%.
- Malamang, ang benoquin ay ang ginamit sa pagpapaputi ng entertainer na si Michael Jackson upang magkaroon ng pantay na pagkaputi. Si Michael Jackson ay iniulat na may vitiligo at maaaring pinili ang depigmentation therapy upang pumuti ng lubos ang kanyang balat.
© 2009
English Français Português Italiano русский язык Deutsch 中文–漢語 日本語 Español
Related posts