Ano ang “Pityriasis (Tinea) Versicolor”
- Ito ay binubuo ng mapino at nangangaliskis na puting tagpi sa balat. Maaari itong lumitaw sa iyong leeg, mukha, mga balikat, mga braso, gitnang parte ng katawan o binti. Ang mga spot na ito ay aktibong mga yeast na nagiging impeksiyon sa iyong balat. Ang medikal na pangalan nito ay Pityriasis versicolor.
Pityriasis Versicolor (Tinea Versicolor)
Ano ang “Ringworm”?
- Ang ringworm o buni ay lumilitaw bilang nangangaliskis, mapula-pula at hugis- singsing na mga tagpi na bumubuo ng kumpletong bilog nay may mataas na hangganan. Ito ay tinatawag na tinea corporis (katawan), o tinea cruris (singit). Ito ay sanhi ng isang halamang-singaw. Makakaapekto din ito sa mga adnexal na kaayusan tulad ng anitanit at kukokuko .
Ano ang “Athlete’s Foot”?
- Ang Athlete’s foot ay nandiyan kapag ang balat sa pagitan ng iyong mga paa ay labis na nangangaliskis at nagbabalat. Ikaw din ay makakaranas ng pangangati ng paa. Ang halamang-singaw, na nagiging sanhi ng impeksiyon ay maaaring kumalat sa iyong mga talampakan at daliri-kuko. Pagkatapos ito na tinatawag na tinea pedis.
Ano ang Moniliasis/Candidiasis?
- Ang fungal na impeksiyon ay karaniwan sa bibig at maselang bahagi ng katawan ng tao na may diabetes, ng mga taong umiinom ng mga steroid at ng mga taong gumagamit ng mga antibiotiko na pangmatagalan. Ito ay makati at ang mga pantal ay mapula na may mga puting tuklap. Ang mga kababaihan ay maaaring magkaroon ng diskarga ng ari at pangangati.
Paano maiwasan ang mababaw na fungal impeksiyon?
- Ang halamang-singaw ay lumalaki kapag ang balat ay mainit-init at mamasa-masa. Ang espasyo sa pagitan ng iyong mga paa, ang tiklop ng balat sa singit at kili-kili ay dapat na mapanatiling tuyo upang maiwasan ang naturang fungal impeksiyon.
Huwag maglakad na walang sapin ang paa sa mga lugar kung saan ang sahig ay basa – halimbawa, sa banyo, lababo, at swimming pool dahil nadiyan ang halamang-singaw. Magsuot ng tsinelas.
Iwasan ang paghiram ng mga personal na napkin, tuwalya, mga suklay at mga brush sa buhok dahil maaari silang magdulot ng impeksyon. Siguraduhin na gamitin mo ang iyong sariling personal na mga gamit dahil ang fungal na impeksiyon ay madaling nakakahawa. Ang anumang mga gamit na may kontak sa mga apektadong lugar ay dapat isterilisado bago gamitin.
Ang naylon na medyas at sapatos na sarado ay nagdudulot ng pawis sa iyong mga paa. Magsuot ng medyas na koton para sumipsip ng pawis, o ang mga bukas na sandalyas kung ang iyong paa ay pinapawisan ng labis.
Panatilihin ang malusog na pamumuhay na may balanseng diyeta, ehersisyo at panahon para sa pahinga, upang madagdagan ang resistensiya ng iyong katawan. Ikaw ay madaling mahawaan ng fungal na impeksiyon kung ikaw ay mahina.
Fungal na impeksiyon ng balat
Paano ba gamutin ang mababaw ng fungal na impeksiyon?
- Maglagay ng anti-fungal cream na inireseta ng iyong doktor sa mga apektadong lugar 2-3 beses sa isang araw sa loob ng 3 linggo. Ang nasabing krema ay kabilang ang nystatin, tolnaftate, imidazole o naftidine na mga krema.
- Huwag itigil agad ang paggamit ng gamot matapos mawala ang impeksiyon. Patuloy na gamitin ito sa loob ng hindi bababa sa 7 araw matapos mawala ang impeksiyon. Sa kaso ng mga puting dako, ang maputing kulay ay mananatili kahit na matapos ang impeksiyon ay matagumpay na magamot. Gayunpaman, ito ay unti-unting mawala pagkatapos na bumalik ang normal na kulay ng balat.
- Ang mga iniinom na anti-fungal na tabletaanti-fungal na tableta ay kinakailangan para sa fungal na impeksiyon na nag-aapekto ng malalaking lugar. Ang iyong doktor ay maaaring mag-reseta ng mga ito.
- Para sa pag-iwas ng mga mapuputing dako, gumamit ng anti-fungal shampoo isang beses sa isang buwan sa iyong anit at katawan, iwan ito ng 15-30 minuto bago banlawan. Sa kaganapan ng impeksyon, gamitin ito gabi-gabi sa loob ng 7 araw sunud-sunod
© 2009
Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland
National Skin Centre. Singgapur
Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna
English العربية 中文-汉语 中文-漢語 Deutsch Français Italiano Português русский язык 日本語 Español