Mga Reaksyon Sa Gamot (Alerhiya sa Gamot) (Tagalag)
Fungal Impeksyon (Buni, Tinea Capitis)
- Ang buni impeksyon ng anit ay dulot ng fungal impeksyon.
- Ang buni impeksyon ng anit ay mas karaniwan sa mga bata kaysa sa matatanda.
- Ang fungal impeksyon ng anit ay nagpapakita sa iba’t ibang mga paraan, depende sa kalubhaan at pinagkukunan ng impeksyon. Sa banayad na mga kaso, ang fungal impeksyon ay lumilitaw bilang makati at nangangaliskis na mga tagpi sa anit. Ang mga follicles ng buhok at ang buhok mismo ay nahahawaan. Ang mga nahawaang buhok ay irregular na nasisira at nalalalagas upang magiging mga kalbong tagpi. Ang kalakip na balat ay maaaring maging mapula at namamaga. Sa malubhang impeksyon (madalas na impeksyon mula sa mga nahawaang mga alagang hayop), ang balat sa anit ay nagiging napakapula, malambot at may latian. Ang nana ay maaaring tumagas mula sa namamagang balat at ang mga pigsa /kulani (tinatawag na kerion) ay maaaring bumuo. Ang mga nahawaang buhok ay nalalagas at nagkakaroon ng pagbabalat.
- Ang fungal impeksyon ng anit ay epektibong ginagamot ng mga iniinom na antifungal na gamot at mabuting pag-aalaga ng buhok:
- Ang pinagmulan ng impeksyon halimbawa ang mga alagang hayop ay dapat na tratuhin nang sabay-sabay upang maiwasan ang pag-ulit.
- Ang maagang pagkilala at paggamot ng fungal impeksyon ay nakakatulong upang maiwasan ang permanenteng pagkakapeklat at pagkakalbo.
- Konsultahin ang iyong doktor kaagad kung pinaghihinalaan mo na mayroon kang fungal na impeksyon ng anit.
Bakteryal Na Mga Impeksyon Ng Mga Follicle ng Buhok (Folliculitis, Mga Pigsa)
- Ang bakteryal na impeksyon ng mga follicle ng buhok ay nagiging sanhi ng folliculitis, o pamamaga ng follicles ng buhok / maliliit na mga butas sa anit.
- Ang folliculitis ay nagtatanghal bilang mga mala-tagihawat na pagsabog sa anit. Ang maliliit at hiwalay na mapupulang mga bugal ay masakit at malambot at madalas ay nakakalat sa iba’t ibang mga lugar sa anit. Ang mga maliliit na pigsa ay maaaring makita.
- Ang ilang mga indibidwal ay mas madaling kapitan ng impeksyon kaysa sa iba.
- Kung ang impeksyon ay magiging masyadong madalas, ang mga pagsubok ay dapat isinasagawa upang alamin kung may anumang kaalanganan sa kanilang immune system.
- Ang folliculitis ay epektibong ginagamot ng naaangkop na antibiotikong iniinom:
- Ang magandang ugali ng kalinisan, regular na paglilinis ng anit at buhok gamit ang banayad na antiseptikong shampoo ay nakakakatulong upang maiwasan ang paulit-ulit na sakit.
- Ang paminsan-minsang pangmatagalan na pag-inom ng antibiotiko ay maaaring kinakailangan upang sugpuin ang impeksyon.
Shingles (Herpes Zoster)
- Ang shingles ay nagmumula sa viral impeksyon. Ang virus na ito din ang nagiging sanhi ng bulutong-tubig. Ang mga pasyente na may shingles ay laging may nakaraang impeksyon na bulutong-tubig. Ang shingles ay kumakatawan sa isang pasimula uli ng bulutong-tubig na virus na nagdudulot ng impeksyon.
- Ito ay madalas na nakikita sa mga indibidwal na may mas mababang kaligtasan sa sakit halimbawa pagkatapos ng viral impeksyon, kanser, atbp.
- Ang pagsabog sa balat ay lumilitaw bilang pahabang disenyo na naaayon sa pamamahagi ng isang sangay ng ugat. Madalas mayroon itong sinusundan na sakit at pangangati bago ang pagpapakita ng mga pagsabog sa balat. Nagtatanghal ito bilang napakasakit at namamaltos na pantal na sinusundan ng pagguho at pagbabalat sa mga apektadong lugar ng balat halimbawa sa noo at nauunang anit, o ang leeg at likod ng anit sa loob ng susunod na linggo.
- Ang kondisyon ay hindi kumakalat at dapat maging malinaw pagkatapos ng 2 linggo.
- Gayunpaman, ang malubhang sakit ay maaaring magpumilit sa loob ng ilang buwan pagkatapos ng paglinaw ng mga lesyon sa balat. Ang mga matatanda ay may mas mataas na panganib ng pagbuo ng post herpetic neuralhiya.
- Ang mga pasyente na may shingles ay dapat na makita ng kanilang duktor at maaaring mangangailangan ng pagsisiyasat para sa anumang mga kalakip na sanhi ng mababang kaligtasan sa sakit.
- Ang shingles ay epektibong nagagamot kapag ang naaangkop na mga antiviral na gamot ay maagang iniinom (sa loob ng 48 oras ng pagpapakita ng mga sintomas). Ang mga iniinom na mga antiviral na gamot ay maaaring magbawas ng tagal at tindi ng shingles.
© 2009
Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland
National Skin Centre. Singgapur
Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna
English Español Français Italiano Português Deutsch 日本語 中文-漢語 русский язык
Related posts