Vitiligo (Tagalog)
Vitiligo
Ano ang vitiligo?
- Ang vitiligo ay isang sakit sa balat na kung saan may mga puting dako at mga tagpi sa balat.
- Ito ay dahil sa progresibong pagkawala ng melanin na pangulay, na nagbibigay sa atin ng kulay ng balat. Ang pagkawala ng kulay ay nangyayari kapag ang sangkap na pangulay sa mga selula (melanocytes) ay nawawasak at ang melanin ay hindi magawa.
- Ang vitiligo ay hindi nakakahawang sakit
- Ang mga lugar na karaniwang apektado ay ang mga sumusunod:
- Payat na parte ng katawan – likod ng mga kamay at mga daliri, mga siko at tuhod.
- Sa loob ng mga butas ng katawan – sa paligid ng mga mata, bibig at ilong.
- Mga tiklop ng katawan – kilikili at hita
- Iba pa mga lugar – paa, braso, utong at ari ng lalaki o babae.
- Ang vitiligo ay maaari ring bumuo sa mga lugar na napinsala tulad ng sugat o sunog na bahagi ng katawan.
- Ang buhok sa loob ng mga apektadong tagpi ay maaaring maging maputi rin
Ano ang sanhi ng vitiligo?
- Ang dahilan ng vitiligo ay nananatiling hindi kilala.
- Gayunpaman ang mga taong may vitiligo ay pwedeng magkaroon ng mas mataas na saklaw ng ugnayan sa:
- diabetes mellitus
- sakit sa thyroid
- iba pang mga sakit na autoimmune
Vitiligo (sa mga siko)
Maari bang magamot ang vitiligo?
Oo. Ang ilang mga paraan ng paggamot ay magagamit ngunit ang mga tugon sa paggamot ay nag-iiba sa bawat tao at lugar na apektado.
Ang ilan sa mga kemikal ay maaaring sumira ng mga selula na may pangulay sa balat at humantong sa sugat sa balat na tulad ng vitiligo. Mahalaga ang pag-iwas ng kontak sa mga kimiko. Ang ilan sa mga krema na ginagamit sa pagpapaputi ay naglalaman ng naturang mga kemikal.
Paano ba ginagamot ang vitiligo?
- Mga kremang may corticosteroid
- Ang mga malakas na kremang may corticosteroid ay epektibo sa ilang mga pasyente.
- Ang regular na pagmamanman ng iyong doktor ay kinakailangan upang maiwasan ang mga masamang epekto.
- Psoralen photochemotherapy(PUVA)
- Ang PUVA ay kumbinasyon ng paggamot na ginagamitan ng ng gamot na tinatawag na Psoralen (P) at pagkatapos ay pinapalantad ang balat sa ultraviolet light A (UVA) – samakatuwid ay tinatawag ito na PUVA.
- Ang psoralen ay ginagawang sensitibo ang balat sa UVA pansamantala lamang at bumubuo ito ng bahagi ng natural na liwanag ng araw.
- Ang psoralen ay maaaring gamitin bilang losyon o bilang tableta.
- Kapag ang losyon ay ginagamit na may kasunod na pagkalantad sa UVA, ang paggamot ay kilala bilang PUVA na ginagamit sa balat
- Kung ang iniinom na tablet ay ginamit, ito ay tinatawag na oral PUVA.
- Sa pangkalahatan, ang PUVA na pinapahid sa balat ay ginagamit sa paggamot sa vitiligo na nagaapekto sa mga limitadong lugar sa balat.
- Ang mga pasyente na ginagamot ng PUVA ay dapat handang sumailalim sa paggamot sa loob ng isang taon o mas matagal pa para sa mas pinakamahusay na resulta.
- Ang masusing medikal na pangangasiwa ay kinakailangan.
- Ang pagamit ng losyon na may psoralen bago ang paglalantad sa sikat ng araw ay maaaring maging mapanganib at hindi kapani-paniwala dahil ang dami ng UVA sa sikat ng araw ay nag-iiba bawat araw. Ang mga artipisyal na pinagmumulan ng UVA na ginagamit ay dapat nasa tamang pangangasiwa.
- Mga kosmetikong nagbabalatkayo (Camouflage cosmetics)
- Ang ilang mga pampaganda ay maaaring magbigay ng napakagandang kulay na tugma at pagbabalatkayo at ang mga ito ay kapaki-pakinabang sa mga puting tagpi sa mukha at likod ng mga kamay.
- Ang isang espesyal na kemikal na ginagamit sa pagpapakakayumanggi o tanning (dihydroxyacetone) na hindi nangangailangan ng liwanag ng araw ay makukuha rin sa pagbabalatkayo ng mga tagpi ng vitiligo.
- Mga Sunscreen
- Ang mga lugar sa balat na apektado ng vitiligo ay madaling masunog ng sikat ng araw dahil ang mga ito ay walang proteksiyon na dulot ng sangkap na pangulay.
- Maipapayo sa mga pasyente na gumamit ng mga sunscreen na may malawak na spectrum ng proteksyon factor sa mga apektadong lugar na kung saan ay maaaring malantad sa liwanag ng araw.
© 2009
Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland
National Skin Centre. Singgapur
Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna
Español Italiano Português Deutsch English 日本語 русский язык Français
Category : vitiligo - Modifie le 06.6.2013