Tabletas Na Nagpapaputi (Tagalog)
- Kamakailan lamang, ilang mga iniinom na gamot ay inaangkin na may kakayahan sa pagpaputi ng balat. Kabilang sa mga gamot na ito ay mga tabletas na may glutathione o arbutin. Ang glutathione ay kilala bilang gamot na pumipigil sa pagbuo ng melanin sa mga test tubes, ngunit ang impormasyon na nagpapatunay ng kanyang bisa bilang pampaputi ng balat sa tao ay kulang sa mga sulat-medical.
- Sa kabilang banda, ang kaligtasan ng pangmatagalang paggamit ng tabletas na glutathione ay hindi kilala.
- Hindi namin inirerekomenda ang paggamit ng mga tabletas na glutathione maliban kung ang kanilang bias at kaligtasan ay ipinapakita sa mga pagsubok na kinokontrola ng mabuti.
- Ang epekto ng arbutin sa pagpigil ng melanogenesis ay tinatanong ng mga kamakailan-lamang na pag-aaral. Sa kabilang banda, ang mga impormasyon tungkol sa kaligtasan ng iniinom arbutin ay kulang. Dahil ang arbutin ay isang penol, posible na ang pag-inom nito ay maaaring magresulta sa pagbuo ng mga nakalalason at nakakakanser na mga quinones na maaaring kumilos bilang mga karsinogen sa katawan ng tao. Hindi namin inirerekumenda na ang mga tableta na naglalaman ng arbutin ay gamitin para sa pagpapaputi ng balat.
© 2009 العربية 中文-漢語 한국어 Deutsch Español Italiano 日本語 Português русский язык Français
Category : Tabletas na Nagpapaputi - Modifie le 04.23.2012