Section : Mga Sakit Sa Balat

Sakit Na Hansen (Ketong) (Tagalog)

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

Ano ang ketong ?

  • Ito ay isang impeksiyon na dulot ng isang bakterya na tinatawag na Mycobacterium Leprae.

Paano ito kumakalat ?

  • Ito ay hindi pa rin masyadong nauunawaan ngunit ito ay kumakalat sa hangin.
  • Hindi ito kumakalat sa panahon ng kapanganakan at kahit may kontak na matagal ay hindi ginagarantiya ang paghahatid nito.

Paano ito masuri ?

  • Eksaminasyon ng byopsya sa balat ay ang pinaka-maaasahan at batay sa klinikal hinala.
  • Ang pagsusuri ng Lepromin ay nakakatulong sa pag-alam ng uri ng ketong ngunit hindi upang kumpirmahin ang pagsusuri.

Ano ang hitsura nito sa balat ?

  • Ang sakit ay nauuri ayon sa kalusugan ng mga nahawaang tao:
  1. Tuberculoid (Paucibacillary) (pinananatiling kaligtasan ng tao): ang sugat ay may posibilidad na mawalan ng kulay, iilan lamang ang numero at may kapansanan sa panlasa.

Tuberculoid Leprosy (Hansen's Disease)

Ketong na Hawig Tubercle (Sakit ni Hansen)

  1. Lepromatous (Multibacillary) (nalulumbay na kaligtasan ng tao): ang mga sugat ay malamang na maging mas malaki, marami sa numero at ang mukha ay maaaring tumatagos (mukhang hawig ang leon).

Lepromatous Leprosy (Hansen's Disease) with Leonine Facies

Ketong na maleproma (Sakit ni Hansen) Na May Mukhang Hawig Ang Leon

  1. Borderline: ang mga sugat ay mas tiyak sa pagitan ng Tuberculoid at hangganan na mga uri.

Borderline Leprosy (Hansen's disease)

Ketong na may Hangganan (Sakit ni Hansen)

  • Reaksyon sa kaligtasan ng sakit: minsan ang mga sugat ay hindi naglalaman ng bacilli at ang mga ito ay dahil sa kaligtasan sa sakit na binuo sa pamamagitan ng nahawaang tao: pamumula ng balat nodosum leprosum, mga reaksyon na nanunumbalik (nadagdagan ang pamamaga dahil sa mabisang paggamot, stress, pagbubuntis …)

Apektado ba ang ibang mga organ ?

  • Ang nerbiyos na sistema at mga mata ay ang pinaka-karaniwang apektado:
  1. Paralisis sa Mukha
  2. Pagkabulag
  3. Kamay na parang kuko ng ibon
  4. Paglaglag ng paa
  • Ang mas mababang paa ay minsan pinuputol dahil sa matagal na resorpsyon ng buto (osteomyelitis) at kanser sa balat na namumuo sa pagnanaknak na matagal.

Paano ba ito ginagamot ?

  • Ang rehimen ng paggamot ay nag-iiba ayon sa iba’t ibang bansa.
  • Gamot panlaban sa tubercle, Dapsone at iba pang mga antibiyotiko ang ginagamit. Ang paggamot ay dapat na patuloy sa loob ng ilang buwan o taon depende sa uri ng ketong.
  • Mga steroid at iba pang mga gamot laban sa pamamaga ang ginagamit sa immunological na reaksyon.

© 2009

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

National Skin Centre. Singgapur

Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna

Bahasa Indonesia

English

Español

Français

Português


Category : Sakit na Hansen (Ketong) - Modifie le 02.26.2012