Section : Mga Sakit Sa Balat

Kulebra (Tagalog)

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

Shingles on the flank
Kulebra sa libis

Ano ang nagiging sanhi ng kulebra?

  • Ang salitang kulebra ay galing mula sa salitang latin na cingulum na ang kahulugan ay sinturunan. Ang mga tao na dating nagkaroon ng bulutong-tubig ay pwedeng magkaroon ng herpes zoster o kulebra. Parehong virus ang nagiging sanhi ng bulutong-tubig at ng kulebra. Ang virus ng bulutong-tubig ay nananatili sa isang natutulog na estado sa ilang mga selula ng mga nerbiyo sa katawan sa loob ng maraming mga buwan hanggang sa maraming mga taon, at pagkatapos ito ay mapukaw ay nagiging sanhi ng mga kulebra.
  • Ang impeksiyon na ito ay dahil sa isang pansamantalang pagbaba sa resistensya ng katawan, na nagpapahintulot sa virus upang simulan ang pagdami nito at upang magpalipat-lipat sa mga hibla ng nerbiyo patungo sa balat. Ang katotohanan na ang sakit na ito ay nangyayari sa mga matatanda ay dahil na ang tugon ng immune na sistema ay pinapaniwalaan na mahina sa mga matatanda. Ang trauma o posibleng stress ay maaari ring magbigay ng kontribusyon sa isang pag-atake ng kulebra.
  • Kabilang sa mga indibidwal na may nalulumbay na sistemang immune ay ang mga may kanser, halimbawa lukemya, lymphoma, ang mga taong sumasailalim sa chemotherapy o radiation therapy para sa kanser, pati na ang mga pasyente na may mga transplant organ at yung mga umiinom ng mga gamot upang salagin ang pagtanggi sa transplant at mga pasyente na may sakit na may epekto sa immune system halimbawa AIDS.

Ano ang mga sintomas ng kulebra?

  • Ang unang sintomas ay nasusunog na sakit o pangingilabot at matinding pagkasensitibo sa isang lugar ng balat. Ito ay maaaring tumagal mula isa hanggang tatlong araw bago makikita ang pulang pantal.
  • Isang grupo ng mga paltos ay mamumuo sa pulang ilalim na mukhang bulutong-tubig. Ang mga paltos ay karaniwang tumatagal mula dalawa hanggang tatlong linggo, habang mag-ipon sila ng nana at magbalat sa ibabaw at magsisimulang mawala.
  • Ang sakit ay maaaring tumagal pa.

Gaano katindi ang sakit?

  • Ang sakit ay sobrang malubha para sa mga doktor na magreseta ng mga pamatay-sakit.
  • Ang isang pangmatagalang masakit na komplikasyon ng kulebra ay tinatawag na post-herpetic neuralhiya na nangyayari sa ilang mga matatandang pasyente. Ito ay maaaring tumagal pa makalipas ang mahabang panahon pagkatapos humilom ang kulebra.

Saan lilitaw ang kulebra sa katawan?

  • Ang kulebra ay karaniwang umaapekto lamang sa isang bahagi ng katawan.
  • Karamihan sa mga karaniwang kulebra ay lumilitaw sa gitnang parte ng katawan, kabilang na sa mga puwit at ari ng lalaki o babae, o ang katunayan.
  • Kung ang mga paltos ay sumasakop sa rehiyon ng mga mata, permanenteng pinsala sa mata ang maaaring magresulta. Ang iyong doktor ay magsasangguni sa iyo kaagad sa isang espesyalista sa mata kapag mangyari ang naturang komplikasyon.

Ano ang mga komplikasyon ng kulebra?

  • Post-herpetic neuralhiya, isang kondisyon na kung saan ang alinman sa pare-pareho o pahinto-hintong sakit ay nagpatuloy sa loob ng mahabang oras matapos humilom ang balat.
  • Impeksyon ng mga paltos sa pamamagitan ng bakterya ay maaari ring maging sanhi ng pagkaantala sa paghilom ng balat. Antibyotikong paggamot ang kinakailangan.
  • Ang isa pang komplikasyon ay mataas na lagnat at pagkalat ng sakit sa buong katawan.

Nakakahawa ba ang kulebra?

  • Ang kulebra ay hindi masyadong nakakahawa kaysa sa bulutong- tubig.
  • Ang mga taong may kulebra ay maaaring kumalat ang virus kung ang mga paltos ay sira at kung may taong madaling kapitan (isang tao na ay hindi kailanman nagkaroon ng bulutong-tubig o ang may sakit) na malapit lang.
  • Ang mga taong nasa panganib ang mga sanggol at ang sinumang may mga sakit tulad ng kanser.

Malaki ba ang pagkakapilat?

  • Ang kulebra ay maaaring magresulta sa pagkakapilat kung ang mga paltos ay naimpeksyon o kung ang mga pasyente ay gumagamit mga nakakalason na remedyo sa bahay sa paltos.

Paano ba gamutin ang kulebra?

  • Ang kulebra ay lumilinaw sa sarili lang sa loob ng ilang linggo at bihirang bumabalik. Ang paggamot ay binubuo ng mga pamatay-sakit, pati na rin ang mga malamig na compress upang makatulong sa pagtuyo ng mga paltos.
  • Ang antiviral na gamot na acyclovir ay maaaring ibigay lalo na sa mga pasyente na naapektuhan sa mata o may matinding pagkasakit. Ito ay kapaki-pakinabang lamang kung masimulan ng maaga sa pagkakasakit.
  • Ang acyclovir ay maaaring paminsan-minsan na maging sanhi ng sakit ng ulo, pagkasira ng tiyan at pagkalula. Kung mas maaga itong inumin, may mahusay ang epekto. Ang paggamot ay maaaring magpapigil ng post-herpetic neuralhiya.
  • Ang Post-herpetic neuralhiya ay maaaring tratuhin ng mga pamatay-sakit at mataas na dosis ng tranquilisers sa gabi.

© 2009

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

National Skin Centre. Singgapur

Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna

English Español Français Italiano Português 日本語 Deutsch


Category : Kalebra - Modifie le 02.25.2012