Section : Mga Sakit Na Nakukuha Sa Pagtatalik

Impeksiyon Ng HIV (« HIV positibo ») At AIDS (Tagolog)

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

Ano ang AIDS?

  • Ang ibig sabihin ng AIDS ay nakukuhang sindrom na may paghina ng resistensiya.
  • Ito ay ang huling yugto ng impeksiyon ng Human Immunodeficiency Virus (HIV).

Paano ako ma-impeksyon ng HIV?

  • Hindi protektadong pagtatalik sa isang nahawaang indibidwal
  • Pagbabahagi ng mga iniksiyon at nahawaang karayom ​​(sa pagitan ng mga gumagamit ng pang-iniksiyon na bawal na gamot …)
  • Pagsalin ng ina sa anak sa panahon ng pagbubuntis, sa kapanganakan o habang pagpapasuso.
  • Pagsasalin ng nahawahang dugo
  • Higit sa 80% ng impeksyon sa buong mundo ay kumakalat sa pamamagtan ng sekswal na paraan, ang proporsyon ay higit na mas mataas sa mga maunlad na bansa.
  • Sa isang pagkakataon, ito ay naisip na impeksiyon lamang na nag-aapekto ng ilang mga grupo na nanganganib (mga drug adik at mga homosexuals …). Upang sabihin ang katotohanan sa kasalukuyan, ang sinumang indibidwal na gumagamit ng isang peligroso sekswal na pag-uugali ay maaaring maimpeksyon ng HIV.

Ano ang panahon ng paglaganap ng sakit na AIDS?

  • Ito ay tinutukoy bilang ang oras na nasa pagitan ng pagkahantad (impeksiyon) ng isang indibidwal hanggang sa mga sandali kung saan ang unang mga palatandaan ng AIDS ay lumitaw.
  • Ang mga oras ito ay humigit-kumilang sa 8 hanggang10 taon.

Ano ang pagkakaiba ng AIDS at HIV impeksyon?

  • Ang isang impeksiyon na may HIV (seropositivity) ay kasama sa lahat ng mga yugto ng impeksyon ng virus.
  • Ang AIDS ay ang huling yugto ng impeksiyon sa HIV, na kung saan ang indibidwal ay hindi mapaglabanan ang mga impeksyon na hindi madaling kumalat sa mga normal na tao (= duhapang impeksiyon: tuberculosis, Pneumocystis carinii pulmonya, Kaposi sarkoma).
  • Ang isang indibidwal na naimpeksyon ng HIV (seropositive) ngunit hindi na umabot sa yugto ng AIDS ay hindi nakakaramdam ng kung anumang sakit at ganap na malusog (tagadala ng sakit na walang mga sintoma).

Ano ang mga palatandaan at sintomas ng impeksiyon ng HIV (seropositivity) at AIDS?

  • Ang karamihan ng mga seropositibong indibidwal ay walang mga sintomas na nararamdaman.

May 4 yugto ng impeksiyon:

  • (A). Matinding impeksiyon (Pangunahin) ng HIV

-Ito ang mabilis na mangyayari pagkatapos ng HIV impeksyon, at mukhang trangkaso na kung saan may mga lumalaking kulani, lagnat, astenya at pantal ng balat. Ang episodyo ay magtatagal mula 2 hanggang 3 linggo.

  • (B). Yugto na walang mga sintoma

-Walang mga palatandaan o sintomas.
-Ang yugtong ito ay tumatagal ng maraming taon.

  • (C). Heneralisado at namamalaging paglaki ng mga kulani

-Ang hakbang na ito ay may namamagang kulani sa leeg, kilikili at ng mga singit. Ang dahilan ay hindi malaman at ang mga palatandaan ay tumatagal ng higit sa tatlong buwan.

  • (D). AIDS at kaugnay na mga problema

-Ito ay ang pinakamalalang yugto ng impeksyon at ang mga pasyente ay namamatay sa impeksiyon sa pamamagitan ng hindi pangkaraniwang mga organismo, na kung saan kahit mga hindi nahawaang mga indibidwal ay walang kalaban-laban.
-Ang mga apektadong mga bahagi ng katawan ay ang mga baga, mata, tiyan, sistema ng nerbiyos at ang balat.
-Ang mga pangkalahatang sintomas tulad ng lagnat, pagbaba ng timbang, at pagdudumi ay madalas.
-Mga pambihirang kanser (lymphoma at Kaposi sarkoma) ay maaari ring mangyari.
Maaari ba akong mahawaan ng virus sa pamammagtitan ng kaswal na kontak?

  • Hindi. Ang virus ay hindi maaaring kumalat sa pamamagitan ng di-sekswal na pagkontak sa bahay o sa ibang dako.
  • Walang panganib sa:
  1. Paggamit ng isang banyo o labahan ng mga nahawaang indibidwal (seropositibo).
  2. Pagsama sa pagkain o pagbahagi ng kubyertos sa mga nahawaang indibidwal (seropositibo).
  3. Pagpunta sa parehong swimming pool kasama ang mga nahawaang indibidwal (seropositibo)
  4. Pagsama sa iisang bubong ng mga nahawaang indibidwal (seropositibo).
  5. Pakikipagtulungan sa mga nahawaang indibidwal (seropositibo).
  6. Pagpunta sa paaralan kasama ang mga nahawaang indibidwal (seropositibo).
  7. Ang kagat ng insekto ay hindi maaaring maghatid ng virus.

Maaari bang makita ang virus? (screening test)?

  • Ang mga panlaban ng katawan sa HIV (mga antibody) ay lumilitaw lamang pagkatapos ng isang tiyak na panahon ng pagsunod sa impeksiyon.
  • Halos lahat ng mga indibidwal ay bumuo ng mga antibody sa loob ng 3 buwan matapos ang impeksiyon. Sa bihirang mga kaso, ang mga antibody ay binubuo sa loob ng 6 buwan matapos ang impeksiyon ng virus.
  • Ang isang negatibong resulta ay nangangahulugan lamang na ang antibody ay hindi naroroon sa oras ng pagsubok.
  • Ang pagkakaroon ng mga antibody sa kaso ng HIV ay hindi nangangahulugan na ang impeksiyon ay epektibong lumalaban.
  • Ang pagsubok ay maaaring ulitin muli kung ang unang negatibong pagsubok ay tapos na ilang sandali matapos ang impeksiyon.
  • Ang isang positibong unang pagsusulit ay nangangahulugan na ang isa tao ay naimpeksyon ng HIV virus.
  • Ang positibong unang pagsusuri o screening ng HIV ay HINDI ibig sabihin na ang isang tao ay may AIDS. Ang AIDS ay huling yugto ng impeksiyon at ang pagsusuri nito ay ginawa lamang kung may mga impeksyon, kanser… bilang karagdagang karamdaman sa isang seropositibong tao.

Maaari ba akong mahawaan kung ibigay ko ang aking dugo?

  • Hindi. Walang panganib sa pagbibigay ng dugo; ang lahat ng mga kagamitan na ginagamit sa donasyon ng dugo ay matsura at ginagamit ng isang beses lamang (ito ay itinapon pagkatapos ng paggamit).

May lunas be na magagamit sa HIV impeksyon o AIDS?

  • Hanggang ngayon, ang sakit na ito ay hindi maaaring magamot.
  • Ang mga gamot laban sa virus (NRT, AZT, ddl, ddC, 3TC, d4T, NNRTI, protease inhibitors) ay magagamit. Ang mga gamot ay ginagamit bilang kumbinasyon at maaaring makapagpabagal sa pagpapatuloy ng sakit, at ang kalusugan ng mga pasyente ay madaling maibalik.
  • Muli, ang mga gamot na magagamit ay hindi nagdadala ng lunas.
  • Maraming mga gamot ay pinag-aaralan pa para ang mga ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa hinaharap.

Ano ang mga pag-iingat na maaari kong gawin upang maiwasan ang impeksyon?

  • Maging pabor sa monogamosong relasyon sa di-nahawaang partner.
  • Palaganapin ang isang ligtas na pamamaraan ng sex (lalaki o babae na kondom …) kapag nagkakaroon ng pagtatalik sa mga nagbebenta ng aliw o kaswal na mga kakilala.
  • Huwag gamitin ang mga iniiniskiyon na droga, kung hindi, huwag ibahagi ang mga iniksiyon at karayom​​.
  • Tanging tanggapin ang dugo mula sa mga mapagkakatiwalaang pinagkukunan.
  • Tiyakin na ang mga instrumento na ginagamit para sa pagbutas ng tainga, pagpapatattoo, at acupuncture ay isterilisado.

Ano ang ibig sabihin ng « mas ligtas na saloobin ng sex » (« safer sex ») ?

  • Ito ay isang pagtatalik na walang kontak sa pagitan ng mga tunaw sa katawan (tunaw mula sa ari ng babae, tamud).
  • Gamitin ang mga kondom (lalaki o babae magagamit) para sa bawat hindutan.
  • Huwag uminom ng alak bago o sa panahon ng sex dahil maaaring makasira ito ng iyong mga paghatol.

Ano ang gagawin kung sa tingin ko ay maaari akong ma-impeksyon?

  • Kunin ang payo ng isang tagapayo ng HIV (o medikal na doktor) at gawin ang isang unang pagsusuri o screening test.
  • Magpatibay ng isang « mas ligtas na saloobin ng sex »  (« safer sex ») (tingnan ang mga naunang nakasulat dito).
  • Huwag magbigay ng iyong dugo o mga bahagi ng katawan.
  • Huwag magbuntis.

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

National Skin Centre. Singgapur

Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna

© 2009

English Español Français Italiano 日本語 Deutsch русский язык Português


Category : Impeksiyon ng HIV ("HIV positibo") at AIDS - Modifie le 02.10.2012