Section : Mga Sakit Sa Balat

Folliculitis / Furuncle (Pigsa)/ Karbunkul (Tagalog)

Ano ang Folliculitis at Furuncle (Pigsa) ?

  • Ang folliculitis ay isang mababaw na pamamaga sa follicle ng buhok (napakaliit na butas ng buhok) na ang sanhi ay bakterya. Kapag ang impeksiyon ay nag-aapekto sa follicle ng buhok, ito ay tinatawag na pigsa. Kapag ang impeksiyon nakakaapekto sa ilang mga follicle ng buhok at ang katabi nitong tisiyu, ito ay tinatawag na isang karbunkul (pigsa).

Folliculite

Folliculitis

Ano ang pagtatanghal na tampok ng Folliculitis ?

  • Ang folliculitis ay karaniwang nag-aapekto sa anit, mukha, gitnang bahagi ng katawan at binti. Ang mga follicle ng buhok ay napapalibutan ng alinman sa mga maliit na bulsa ng mga nana o maliit na pulang-bugal.
  • Minsan, maraming magkatabi na mga follicle ng buhok ay apektado sa parehong oras para magbigay ng kung ano ay karaniwang kilala bilang pigsa. Sa ganitong pagkakataon, ang kirurhikong pagpapatuyo ng nana ay maaaring gawin maliban sa tabletang antibyotiko.

Paano ginagamot ang Folliculitis at Mga Pigsa ?

  • Sa mga katamtamang kaso, ang hugas antiseptiko at kremang antibyotiko ay maaaring madaling magtanggal ng problema. Ang mga tabletang antibyotiko ay kinakailangan para sa mga malawak o mahigpit na mga kaso.

Ano ang Karbunkul ?

  • Ito ay isang malubha at malawak na pamamaga ng balat sa paligid ng mga follicle ng buhok (napakaliit na butas ng buhok) at ang mga nakapaligid na tisiyu. Ang sanhi nito ay impeksiyon ng bakterya sa mga indibidwal na may mababang kaligtasan. Ito ay madalas na makikita sa mga pasyente na may diyabetis mellitus.

Ano ang mga pagtatanghal na tampok ng isang karbunkul ?

  • Ang karbunkul ay karaniwang nag-aapekto sa likod ng leeg, mga kamay at paa at gitnang bahagi ng katawan.
  • Ang unang sugat ay lilitaw bilang isang mapula at masakit / malambot na mga maliit na bukol sa paligid ng isang follicle ng buhok (ang paglitaw nito ay tulad ng isang koleksyon ng mga pigsa). Ang bubas ay maaaring lumitaw sa ibabaw. Ang mga sugat ay lumalaki pagkatapos nito na may mga bulsa ng mga kulani at magnanaknak.

Paano ba ginagamot ang karbunkul ?

  • Dapat gamutin ang karbunkul kaagad. Ang isang pasyente na may karbunkul ay dapat maospital para sa pagtitistis (upang alisin ang nana at patay na mga tisyu ng balat) upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon sa iba pang mga bahagi ng katawan.
  • Ang pasyente ay dapat gamutin na may naaangkop na antibiyotikong pangkalahatan.
  • Ang kalakip na sakit (diabetes mellitus …) ay dapat kontrolado.

© 2009

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

National Skin Centre. Singgapur

Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna

English العربية 中文-汉语 中文-漢語 Deutsch Español Français Italiano Português русский язык


Category : Folliculitis / Furuncle (Pigsa)/ Karbunkul - Modifie le 02.25.2012