Section : Mga Sakit Sa Balat Section : Pagkabagabag Sa Kulay Ng Balat

Solar lentigines (Mga Patak sa Atay) (Tagalog)

Ano ang solar lentigenes?

  • Ang solar lentigines ay patak na kulay kayumanggi at may sukat na 1 cm o mas malaki pa, na karaniwang makikita sa mukha at sa likod ng mga kamay.
  • Ang solar lentigines ay katibayan ng labis na pagkalantad sa sikat ng araw.
  • Ito ay matatagpuan sa mga indibidwal na higit sa 40 taong gulang, lalo na kung mayroon sila ng mahabang kasaysayan ng pagtatrabaho sa labas ng bahay.

Paano ginagamot ang solar lentigines?

  • Dapat iwasan ang araw at gumamit ng sunscreen.
  • Gamot na pamahid muna ang sinusubukan kasama ang:
  1. 1.4 methoxyphenol (sa 2% konsentrasyon) (ang hydroquinone ay hindi epektibo) ang ilapat sa bawat iba pang mga araw.
  2. Retinoic acid (sa 0.025% konsentrasyon) ang ilapat sa bawat iba pang mga araw.
  • Ang mapanirang paggamot ay epektibo at may kasamang:
  1. likidong aplikasyon ng nitrogen
  2. laser (NDYAG) o IPL na paggamot
  3. at ang chemical peel ay epektibo sa pag-alis ng sugat.

© 2009

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna

English Français Italiano Español русский язык Deutsch 中文–漢語 日本語 Português


Category : Solar lentigines (Mga Patak sa Atay) - Modifie le 04.6.2013