Section : Mga Sakit Sa Balat

Pyogenic Granuloma (Tagalog)

Ano ito ?

  • Ang pyogenic granuloma sy isang hindi-seryosong sakit sa balat na dulot ng mabilis na paglaganap ng mga ugat ng dugo.
  • Ang tamang pangalan nito ay Lobular Capillary Hemangioma.

Ano ang hitsura nito ?

  • Sa klinikal na anyo, ang pyogenic granuloma ay nagpapakita bilang maliit na bukol na mabilis lumago at madaling masira. Ang kulay nito ay mapula hanggang matingkad na kayumanggi
  • Ito ay maaring maisalokal kahit saan ngunit madalas itong makita sa mga kamay, braso at sa mukha. Sa panahon ng pagbubuntis, madalas itong naka-localize sa bibig (oral cavity).
  • Sa mikroskopikong eksaminasyon (histology), maraming capillaries (maliit na daluyan ng dugo) na “back-to-back” ang makikita. Nakaayos sila bilang lobular pattern. Kaya ang tamang pagtatalaga sa kundisyong ito ay: lobular capillary hemangioma.

Pyogenic Granuloma (Lobular Capillary Hemangioma)

Pyogenic Granuloma (Lobular Capillary Hemangioma)


Ano ang dahilan nito?

  • Ang eksaktong dahilan ay nananatiling hindi kilala.
  • Pagpapalagay
  1. Ang pyogenic granuloma ay binubuo ng paglaganao ng mga daluyan ng dugo. (Ito ay implikasyon ng produksyon ng mga angiogenic factors, at ng mga nitric oxyde synthases (eNOS). Ang mga proliferation markers ay makikita din sa mga pader ng daluyan ng dugo (CD34…)). Ang pyogenic granuloma ay isang maling tawag, dahil sa histology walang granuloma o pagkakaroon ng nana.
  2. Ang trauma ay madalas na pangunahing salik sa pagbuo ng pyogenic granuloma. Gayunpaman ito rin ay kusang lumitaw.
  3. Lumilitaw madalas sa panahon ng pagbubuntis. (Ito ay nagmumungkahi ng implikasyon ng hormonal na kadahilanan)
  • Ethymology
  1. Pyogenic Granuloma ay isang maling tawag, dahil sa histology, doon ay hindi isang granuloma o ang pagkakaroon ng nana.

Kung ito ay benign, bakit mag-aabala?

  • Ito ay mahalaga upang ipakita ang mga sugat sa isang medikal na doktor na magrerefer sa iyo sa isang dermatologo kung may mga alinlangan.
  • Sa katunayan, ang kondisyong ito ay maaaring magpakita bilang ibang mga kondisyon na hindi palaging kaaya-aya.

Pananaw at Paggamot

  • Ang mga maliit na sugat ay maaaring mawala ng kusa.
  • Ang mga opsyon ng paggamot ay kabilang ang cryotherapy at electrocauthery.

© 2009

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

National Skin Centre. Singgapur

Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna

English Français Español Português 日本語 Deutsch Italiano


Category : Pyogenic Granuloma - Modifie le 08.10.2013