Puting Galis o “White Patch” Sa Balat Ng Mga Bata (Tagalog)
Ang mga karaniwang dahilan ng puting galis o “white patch” sa balat ng mga bata ay:
1) Pityriasis Alba
2) Vitiligo
Ano ang Pityriasis Alba?
- Ang Pityriasis Alba ay isang uri ng bahagyang pamamaga ng balat o mild dermatitis
- Ito ay isang kondisyon sa balat na kung saan may namumuong mga hugis-itlog, bahagyang pagkakaliskis ng balat at puting galis sa mukha, braso at sa itaas na bahagi ng katawan.
- Ang mga hangganan ng mga galis ay malabo
- Ito ay sakit sa balat na nag-aapekto sa mga batang nasa pagitan ng edad 3 at 16 taon. Sinasabing 30% ng lahat ng mga bata ay maaring makakaranas ng sakit na ito sa panahon ng kanilang pagkabata.
- Ang mga galis na ito ay hindi makati
- Ito ay madalas mapagkamalan na parang fungal impeksyon.
- Ang kalagayan na ito ay nagiging prominente kapag ang isang tao ay maglantad sa init ng araw.
Pityriasis Alba
Paggamot at Kondisyon ng Pityriasis Alba
- Ito ay hindi nakasasamang kondisyon sa balat na may kaugnayan sa ibang mga sakit sa balat tulad ng “atopy” at “atopic dermatitis’. Ang kondisyon na ito ay maaring magamot sa pamamagitan ng paggamit ng mga moisturizers sa balat.
- Maaring tumagal ito mula ilang buwan hanggang ilang taon at mabagal ang paggaling nito.
- Kung minsan, makakatulong din ang mga steroid creams
- Iwasan ang paggamot sa sarili.
- Iwasan ang paggamit ng mga anti-fungal creams
- Iwasan ang labis na paghugas sa balat gamit ang mga simpleng sabon at gumamit ng solution sa panghugas na hindi nakakairita ng balat.
Ano ang Vitiligo?
- Ang Vitiligo ay isang uri ng sakit sa balat na may tagpi-tagping pagkawala ng karaniwang kulay ng balat. Ang Vitiligo ay hindi maaring makapa; ito ay kulay puti at may natatanging hangganan. Ang buhok sa loob ng Vitiligo ay kulay puti rin.
- Ang Vitiligo ay may dalawang uri:
- Ang Type A Vitiligo ay binubuo ng maraming puting galis sa balat na makikita sa buong katawan ng pantay-pantay. Ito ay palaging nakikita sa mga braso, kamay, balikat, mukha at leeg.
- Ang Type B Vitiligo ay binubuo ng mga paisa-isang galis na pa-segmental ang direksyon sa balat. Ang uri na ito ay karaniwang makikita sa mga bata.
- Ang Type A Vitiligo ay patuloy na kumakalat sa buong katawan at may mga bagong galis na makikita paglipas ng ilang taon.
- Ang Type B Vitiligo ay kumakalat ng mabilis hanggang sa huminto pagkatapos ng isang taon.
- Walang nakakaalam kung ano ang pinagmumulan ng Vitiligo. Ilan sa mga pasyente na may vitiligo ay mayroong sakit na diabetes mellitus at sakit sa thyroid.
Paano ginagamot ang Vitiligo?
- Ang iyong duktor ay maaring magreseta ng isa o marami pa sa mga sumusunod:
- Mga steroid creams na nilalagay sa balat. Maaring magbalik ang dating kulay ng balat sa paggamit ng ganitong mga gamot
- Sa pamamagitan ng PUVA na kombinasyon ng mga gamot na may kinalaman sa paggamit ng gamot na Psoralen (P), at pagkatapos ay paglalantad ng balat sa Ultraviolet A. Ang psoralen ay maaring gamitin bilang lotion sa balat o bilang gamot na iniinom para gawing sensitibo ang balat sa UV light. Ang mga pasyente na ginagamot gamit ang PUVA ay kailangan sumangayon sa gamutan na tumatagal ng isang taon o mahigit pa para sa optimum na resulta. Ang paggamot na ito ay nangangailangan ng superbisyon ng isang espesiyalista sa balat o dermatologist.
- Camouflage cosmetics. Ang mga gamit-pagpaganda na ito ay nagbibigay ng magandang kulay sa balat para magmukhang normal ito. Ang mga cosmetics na ito ay napapakinabangan ng mga taong may mapuputing galis sa mukha at likod ng mga kamay.
- Sunscreens. Ang mga parte ng balat na naapektuhan ng vitiligo ay madaling masunog ng init ng araw. Dapat gamitin ang sunscreen sa mga parte ng katawan na nailantad sa sikat ng araw.
- Ang progreso ng paggamot ay nag-iiba sa bawat tao at bawat parte ng katawan na apektado.
© 2009
Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland
National Skin Centre. Singgapur
Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna
English العربية 中文-汉语 中文-漢語 Deutsch Español Français Italiano 日本語 Português 한국어 русский язык
Category : “White Patch” Sa Balat Ng Mga Bata - Modifie le 02.18.2012Category : Puting Galis - Modifie le 02.18.2012