Problema Sa Balat Ng Mga Matatanda (Tagalog)
Ano ang mga karaniwang problema sa balat ng mga matatanda?
Pagbabago Ng Anyo at Habi
- Ang balat ay patuloy na nagbabago ng anyo. Nabubuo ang mga bagong selula sa mababang parte ng balat na kung saan dahan-dahan silang inililipat pataas. Sa oras na maabot nila ang ibabaw ng balat, ang mga selulang ito ay patay na at sila ay inaalis araw-araw. Sa pagtanda, nagiging mabagal ang proseso na ito na pagbabago ng balat. Ang bahagi ng balat na may mga patay na selula ay nananatili sa ibabaw ng balat at nagbibigay ng mapurol na hitsura. Ang balat na ito ay magaspang at makaliskis.
- Ang nagsusuporta na kaayusan sa balat at ang pagkalastiko nito ay bumababa sa pagtanda. Ang balat at naglulundo at lumalabas ang mga gusot nito.
Purpura ng Pagtanda
- Ang balat ng matanda ay mas manipis at madaling masira.
- Ang mga ugat ay madali ding masira, at nagreresulta sa mga pasa na ang tawag ay senile purpura (purpura ng pagtanda)
- Ang mga purpura ng pagtanda ay karaniwang makikita sa mga braso. Ito ay mula sa kaunting dami ng hyaluronic acid, isang sangkap na kailangan upang mapanatili ang laman (at tungkulin) ng balat.
- Ang pagkakaroon nito ay hindi ipinapahiwatig na may kakulangan ng bitamina o problema sa pagdugo.
- Ang balat ay matagal humilom pagkatapos ng pinsala.
Purpura sa Pagtanda
Xerosis / Asteatotic eksema
- Ang balat ay nagiging tuyo at madaling matuklap habang ang langis na nilalaman ng balat ay bumababa sa pagtanda.
- Ang tuyong balat ay nagiging makati. Ang pagkakaramdam ng pagkatuyo at higpit ay pangkaraniwan.
- Ang tuyong balat ay may magaspang at makinis na pagkatuklap o pangangaliskis sa ibabaw. Ito ay makikita sa itaas ng likod at sa mga kamay at paa, lalo na sa mga lulod. Minsan ang asteatotic eksema ay nangyayari sa mga lugar na may tuyong balat. Ang mga ito ay makikita na may mahinang mga hangganan, at may pula at bilog na pangangaliskis. Minsan makikita ang natatanging hitsura ng pulang pangangaliskis at mga bitak sa irregular na parang kulambo ang muwestra at parang basag na losa.
Impeksyon sa Balat / Pagkahawa
- Impeksiyon ng Bakterya: Ang mga bitak sa tuyong balat ay pwedeng magpapasok ng bakterya sa balat upang maging sanhi ng mababaw na impeksyon.
- Langib o Scabies
- Ang langib o scabies ay isang nakakahawa at makating impeksiyon sa balat na dulot ng isang napakaliit na hayop.
- Ang pagkahawa nito ang kumakalat madalas sa mga matatanda na naninirahan sa mga masikip na bahay.
- Minsan ang pag-uupak at pagtutuklap ay maaaring magsakop ng buong katawan (Norwegian scabies).
Langib o Scabies dulot ng napakaliit na hayop
- Impeksiyon na Buni
- Ang mga matatanda ay madalas may impeksiyon na buni ng kuko at balat, lalo na sa mga paa.
- Ang buni na impeksiyon ng mga kuko ay lumilitaw bilang kupas at makapal na mga kuko.
- Ang impeksiyon na buni ng mga paa ay maaaring magpakita ng pamumula at pagkapaltos bukod sa pangangaliskis.
Pagbabago ng Kulay
- Makikita ang kulay kayumangging mga dako tulad ng mga pekas.
- Ang mga ito ay mas malaki at mas irregular kaysa sa mga pekas. Sila ay kilala bilang mga solar lentigenes (batik ng atay). Sila ay minsan ding tinatawag na pekas sa katandaan.
- Ang mga ito ay resulta ng pinsala sa balat dulot ng sikat ng araw.
- Kung ang mga pekas ay mas malaki o mas makapal o bumubuo ng pag-uupak, dapat kang kumunsulta sa isang doktor. Dapat maisantabi ang kanser sa balat.
- Ang pekas sa katandaan ay madaling alisin sa pamamagitan ng pagyeyelo, pag-oopera gamit ang kuryente o electrosurgery o ang paglalagay ng ilang mga kemikal.
- Ang mga selula ng pangulay sa balat ng mga matatanda ay hindi masyadong aktibo at ang balat nila ay mukhang maputla.
Karamdaman na Namamaltos
- Ang mga matatanda ay maaaring bumuo ng karamdamang namamaltos dulot ng iba’t-ibang mga dahilan.
- Ang isang karaniwang karamdaman na namamaltos ay ang kulebra:
- Ito ay ang pagbabalik ng bulutong (herpes zoster virus) na nakuha ng isang indibidwal nung siya ay bata pa.
- Ito ay nagpapakita bilang isang banda ng mga paltos sa isang bahagi ng ulo o katawan o sa kabuuwan ng isang paa.
- Ito ay maaaring magdulot ng malubhang sakit.
Kulebra sa mukha
- Ang problema ng pamamaltos ay maaari ding maging sanhi ng problema sa sistemang immune. Ang isang karaniwang kalagayan ng mga kondisyong ito ay ang bullous pemphigoid, na kung saan ang isang indibidwal ay may maraming malalaking paltos galing sa namumula o normal na balat. Ang kondisyong ito ay karaniwang nangangailangan ng makapangyarihang gamot para sa pagpigil nito.
Mga Bukol sa Balat na Di-Nakakakanser
- Ang mga matatanda ay maaaring bumuo ng hindi nakakakanser na mga bukol na may iba’t-ibang uri. Kabilang dito ang:
- Seborrhoeic keratoses (Na may magaspang at kulay-kayumanggi at itim na mga dako)
- Cherry angioma o mga angioma/ bukol ng ugat na kulay seresa (makinis at mamula-mulang mga bukol) (Campbell-de-Morgan spot)
- Sebaceous hyperplasia o paglaking sebaceous (dilaw na bukol na binubuo ng mga glandula ng langis).
- Ang hindi nakakakanser na mga bukol sa balat ay hindi nangangailangan ng paggamot ngunit ang mga bukol na may kanser ay dapat alisin ng maaga upang maiwasang kumalat sa iba pang mga bahagi ng katawan.
- Kung may pagdududa laging kumunsulta sa duktor. Ang iyong dermatologo ay maaaring payuhan ka kung ang iyong mga bukol sa balat ay kaaya-aya o may kanser.
Seborrhoeic keratosis
Mga Bukol Na Nakakakanser
- Ang mga matatanda na naglalantad sa sinag ng araw mula pagkabata ay maaaring magkaroon ng nakakakanser na mga bukol sa balat na tinatawag na mga solar keratoses at kanser sa balat tulad ng basal cell carcinoma at squamous cell carcinoma.
- Ang mga basal cell carcinoma at squamous cell carcinomas ay madalas lumilitaw sa mukha. Nagsisimula sila bilang maliit na bukol at dahan dahan silang lumalaki, hanggang sa sila ay magnaknak. Maaari silang maging kulay-rosas o kulay-itim.
- Magpatingin sa iyong doktor kung mayroon kang anumang paglago ng bukol sa balat o sugat na di gumagaling.
Basal cell carcinoma
Basal cell carcinoma
- Mayroong ilang mga uri ng kanser sa balat. Ang pinakakaraniwan ay ang tinatawag na basal cell kanser na lumilitaw bilang isang maliit at makintab na paglago sa isang sentral na ulser o depression. Ang kanser na ito ay mabagal lumago.
- Ang isa pang uri ng kanser ay ang squamous cell kanser. Lumilitaw ang mga ito bilang mga mapula at nangangaliskis o kulay rosas na mga bukol. Minsan sila ay lumalaki at madaling makapa.
- Ang mga nakakakanser na nunal ay hindi karaniwan ngunit mabilis silang kumalat kung hindi ginagamot. Lumilitaw ang mga ito bilang mga mga nunal na may irregular na hangganan, may irregular na kulay at may bilog na hugis.
- Kung hindi ka sigurado na ang mga bukol ay nakakakanser, magpakonsulta sa inyong duktor. Lahat ng kanser ay inaalis.
Masamang Reaksyon sa Gamot
- Habang ang mga matatanda ay tumatanggap ng maramihang mga gamot para sa iba’t-ibang medikal na mga problema, sila ay mas nakakaramdam ng mga masamang reaksyon sa gamot.
- Ang pinaka-karaniwang masamang reaksyon sa mga gamot ay makikita sa balat, kung saan maaari itong magpakita ng pagkapula, makating pagpapantal o mga paltos.
- Mahalaga na ang mga pantal tulod nito ay nakikilala ng maaga upang hindi na maipagpatuloy ang sanhing gamot, nang sa gayon ay mapigil ang pinsala na dulot ng gamot sa pagiging seryoso.
- Mahalaga na magtago ng talaan ng mga gamot, inireseta o hindi, na iniinom mo.
- Siguraduhing dalhin ang lahat ng mga gamot kapag kumonsulta ka sa iyong duktor.
Stasis dermatitis
- Ang ilang mga matatanda ay may mahirap na sirkulasyon ng dugo sa mga binti, na humahantong sa mga pantal sa paligid ng bukungbukung na tinatawag na stasis dermatitis.
- Kapag hindi ito magamot, ito ay maaaring humantong sa mga ulser sa balat.
Ano ang mga pangangailangang-espesyal ng balat ng mga matatanda?
- Ang mga matatanda ay nangangailangan ng espesyal na pangangalaga sa balat dahil ang kanilang balat ay manipis at tuyo:
- Dapat mag-ingat upang maiwasan ang masyadong pagkatuyo ng balat.
- Dapat umiwas sa mga mainit na paliguan.
- Iwasan ang madalas na pagligo o pag-shower.
- Iwasan ang paggamit ng sabon o gumamit lamang ng suwabeng sabon.
- Kung ang balat ay tuyo, maglagay ng mga pampadulas o moisturizers sa balat pagkatapos maligo.
- Habang ang balat ay nagiging tuyo, lumilitaw ang mga bitak. Madaling pumapasok ang mga bakterya dito upang maging sanhi ng impeksyon sa balat.
- Ang mga taong palaging nakahiga o bedridden ay kailangang umiwas sa pangmatagalang presyon sa mga bukongbukong, takong at pigi. Ang masyadong mataas na presyon ay maaaring magpunit ng manipis na balat at humantong sa mga sugat sa pagkahiga o bed sores.
© 2009
Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland
National Skin Centre. Singgapur
Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna
Français English Italiano Deutsch 日本語 Português русский язык
Category : Problema Sa Balat Ng Mga Matatanda - Modifie le 03.1.2012