Section : Mga Sakit Sa Balat

Pityriasis Rosea (Tagalog)

Ano ang pityriasis rosea?

  • Ang pityriasis rosea ay isang uri ng trangkaso sa balat. Maaaring ring maging sanhi ang isang virus.
  • Ito ay mas karaniwan sa mga talubatang matatanda.
  • Ang mga ito ay dumadami ayon sa panahon.

Ano ang hitsura nito?

  • Ito ay nailalarawan base sa klinikal:
  1. nagsisimula itong magpresenta bilang mapula at pabilog na sugat na may nangangaliskis na paligid. Ito ay tinatawag na “herald” patch. Ang sugat na ito ay matatagpuan kahit saan, ngunit mas madalas ito sa dibdib, mga braso at mga binti.
  2. pagkatapos, lilitaw ang mas maliliit na sugat sa buong katawan maliban sa mukha (sa tipikal na pagtatanghal nito). Ang mga lesyon sa likod ay bumubuo ng pattern na parang “Christmas Tree”.
  3. Ang mga lesyon ay minsan makati, ngunit madalas ay hindi sila nagiging sanhi ng anumang mga sintomas.
Pitiríase rósea (de Gibert) (PRG)
Pityriasis Rosea

Magkapareho ba ang hitsura ng mga sakit sa balat sa pityriasis rosea?

  • Dahil ang pityriasis rosea ay maaring maging magkatulad ng hitsura sa pangalawang yugto ng syphilis kung ito ay may hindi tipikal na presentasyon, kailangan ang mga pagsubok sa dugo para ibukod ito
    Pangalawang Uri Ng Syphilis

    .

Kailangan bang gamutin ang pityriasis rosea?

  • Ang kundisyon ay maaring gumaling sa sarili nito pagkatapos ng tatlong buwan. Upang mahulaan ang paglaho nito, mas madaling tandaan ang panuntunan ng tatlong 42 na:
  1. sa loob ng 4 na linggo, ang mga lesyon ay lumilitaw (yugto ng paglitaw)
  2. sa loob ng 4 na linggo, ang bilang ng mga sugat na lumilitaw ay katumbas sa lesyon na nawawala (yugto ng katatagan)
  3. sa loob ng 4 na linggo, ang bilang ng mga lesyon ay bumababa (yugto na paurong)
  • Sa kaso ng galis, ang dermatologo ay maaaring magreseta ng steroid na pamahid o ng paggamot gamit ang liwanag (phototherapy).

© 2009

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

National Skin Centre. Singgapur

Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna

English Español Français Italiano Deutsch Português 日本語 русский язык


Category : pityriasis rosea - Modifie le 12.25.2012