Pangingitim (Hyperpigmentation) Pagkatapos ng Pamamaga (Tagalog)
Ano ang pangingitim (hyperpigmentation) pagkatapos ng pamamaga?
- Ito ay pag-iiba ng kulay na naiiwan sa balat pagkatapos gumaling ang kalakip na sakit sa balat.
- Ang kalakip na sakit sa balat ay maaaring trauma, impeksiyon sa balat, eksema (dermatitis) o reaksyon sa gamot.
- Sa taong may madilim na balat, ang kulay ay mas matingkad at nagpapatuloy sa loob ng mas matagal na panahon.
- Ang pangingitim ay mabagal mawala habang lumilipas ang panahon
Pangingitim (Hyperpigmentation) pagkatapos ng pamamaga (pagkatapos ng dermatitis)
Paano ginagamot ang pangingitim (hyperpigmentation) pagkatapos ng pamamaga?
- Karaniwan, ang normal na kulay ng balat ay bumabalik ng dahan-dahan sa loob ng ilang mga buwan.
- Dapat iwasan ang karagdagang trauma sa lugar na ito, halimbawa ang pagkuskos at pagkakalantad sa sikat ng araw.
- Ang mga pampaputi sa balat tulad ng mga produktong naglalaman ng hydroquinone ay maaaring gamitin sa pangingitim o hyperpigmentation. Gayunpaman, ang mga produktong ito ay mahina lamang ang epekto kesa sa kung pabayaan na walang gamot. Ang mga kremang naglalaman ng mga sangkap ng bitamina A ay hindi inirerekomenda dahil nagdudulot ang mga ito ng pamamaga at nagpapalala ng problema.
- Upang matuto nang higit pa tungkol sa isang ligtas at mabisang krim na pampaputi, mag-click dito.
© 2009
English Español Français Português русский язык Deutsch 中文–漢語 日本語 Italiano
Category : Pangingitim (Hyperpigmentation) Pagkatapos ng Pamamaga - Modifie le 04.6.2013