Section : Mga Pekas, Pagdidilim Ng Kulay Ng Balat At Mga Solusyon

Pagkulay ng Melanin at Kulay ng Balat (Tagalog)

  • Sa mga tao, ang mga melanin na kulay ay responsable sa nakikitang kulay ng balat, buhok at mata. Kahit na ang dugo sa loob ng balat at ang mga panlabas na pangulay katulad ng mga carotenoid ay maaaring bumuo ng iba’t ibang kulay ng balat, ang mga pagkakaiba ng kulay ng balat ng iba’t ibang grupo ng mga etniko (lalo Negroid, Asian at Caucasians) ay pangunahing natutukoy base sa karamihan ng kulay ng melanin sa panlabas na bahagi ng balat. Ang melanin ay ginawa ng mga melanocytes na mga pinasadyang selula; matatagpuan ang mga ito sa dermo-epidermal junction. Ang bilang ng mga melanocytes ay hindi nagbabago sa iba’t ibang grupo ng mga etniko, ie ang mga Negroid ay may halos parehong dami ng mga melanocytes sa mga Caucasians, ngunit ang pagbuo ng melanin ay higit na aktibo sa mga taong may maitim na balat.
  • Ang melanin ay may mahalagang papel sa cosmesis. Sa vitiligo na maputing sakit sa balat, na kung saan ang pagkasira ng mga melanocyte ay nagreresulta sa rehiyonal na pagkawala ng kulay sa balat, maaaring lubos na maaapektuhan ang sosyal na buhay ng mga tao, lalo na ang mga taong may sakit sa mukha o kamay. Ang mga nagpapaitim na karamdaman tulad ng mga melasma at pekas ay hindi gaanong malubha ngunit ang mga ito ay karaniwan na mga sakit sa balat na pinag-aaksayahan ng pera at panahon. Sa kabilang banda, sa maraming mga lipunan at kultura, ang mas matingkad o mas maputing balat ay itinuturing na mas maganda. Sa mga western civilization, ang kayumangging kulay ay mas kaakit-akit. Sa mga lipunang ito, ginagamit ang ultraviolet na liwanag o tanning lotion ay para magpatingkad ang kulay ng normal na balat. Sa kabilang banda, sa mga lipunan na African, Asian at Timog Amerikano, tinuturing ang maputing balat na mas maganda.
  • Ang mga produktong nagpapaputi ng balat ay malawakang ginagamit sa mga kulturang ito upang makabuo ng pangkalahatang pagkaputi o magkaroon ng Caucasian na balat tono. Sa kabila ng paggamit ng mga produktong hindi nirereseta o de-resetang mga produkto para sa paggamot ng pagkaitim (hyperpigmentation), ang pangkalahatang impormasyon para sa populasyon tungkol sa naaangkop at ligtas na mga produktong pampaputi ay sadyang kaunti, at ito ay humahantong sa paggamit ng mga mapanganib na mga sangkap tulad ng mercury asing-gamot, matapang na mga steroid at mga iniinom na gamot na pampaputi na may potensyal na panganib.
  • Ang pahinang ito at ang mga kawing (link) dito ay nakatuon upang magbigay ng pang-agham na impormasyon tungkol sa bisa at kaligtasan ng mga kilalang ahente na nagpapaputi ng balat, at upang matulungan ang mga indibidwal na pumili ng ligtas at epektibong produkto na pampaputi na naaangkop sa kanilang kondisyon.
  • Upang matuto nang higit pa tungkol sa mga umiiral na ahente na nagpapaputi, iclick dito.

© 2009 English Français Português Español русский язык Deutsch 中文–漢語 日本語 Italiano


Category : Pagkulay ng Melanin at Kulay ng Balat - Modifie le 02.5.2013