Section : Tradisyonal Na Produktong Pampaputi

Hydroquinone (Tagalog)

  1. Ang (HQ) Hydroquinone ay ginagamit ng marami bilang pampaputi ng balat. Ito ay may katamtamang epekto sa pagpapaputi at umaaksyon sa pagbabawas ng bilang ng mga selulang gumagawa ng melanin sa panlabas na bahagi ng balat.
  2. Ang mga pormulasyon na naglalaman ng hanggang 2% ng HQ ay pinapayagan ng FDA na gamitin bilang pampaputi ng balat sa mga normal na indibidwal. Ang mga pormulasyon na ito ay maaaring bilhin sa US bilang mga produkto na hindi nangangailangan ng reseta. Ang mga pormulasyon na naglalaman ng mas mataas kaysa sa 2% ng HQ ay itinuturing na mga de-resetang produkto at tanging ginagamit lamang sa paggamot ng mga hyperpigmentary na karamdaman tulad ng melasma. Ang mga produkto tulad nito ay hindi pinapayagan na gamitin bilang pampaputi ng balat sa mga normal na tao.
  1. Bagaman ang HQ ang nag-iisang nagpapakita ng katamtamang pagpapaputi ng balat, ang pagdaragdag ng iba’t ibang mga kemikal sa mga pormulasyon ng HQ ay kapansin-pansing nagpapahusay ng epekto nito bilang pampaputi ng balat. Ang ilan sa naturang mga pormulasyon ay maaaring makabuo ng maputing kutis sa maiiitim na mga indibidwal. Ang pinakamahusay na mga halimbawa ng mga makapangyarihang formulasyon ay ipinakita sa ibaba.

Kligman’s Formula:

  • Noong 1975 sina Drs. Kligman at Willis ay naghalo ng hydroquinone sa tretinoin at dexamethasone at nakuha nila ang isang makapangyarihang pormulasyon na pampaputi ng balat. Ang pormula na ito ay may kakayahan na magpaputi ng maiitim na mga indibidual pagkatapos ng 6-8 linggo ng paggamit.
  • Sa kabilang banda, ang mga epekto tulad ng mala- konfeti o di-unipormeng tagpi-tagpi sa balat ay hindi nangyari sa paggamit ng kumbinasyong ito. Ang pagnipis ng balat, pagbuo ng mga ugat at ang iba pang mga epekto ng dexamethasone ay hindi naganap sa loob ng anim na buwan na panahon ng pag-aaral. Marahil, ang presensya ng tretinoin sa pormulang ito ay humadlang sa paglitaw ng naturang epekto. Ang mataas na bisa ng pormula ni Kligman para sa paggamot ng mga hyperpigmentary na karamdaman lalo na ang melasma ay ipinapakita din ng mga mananaliksik.
  • Kahit na ang orihinal na pormulasyon ni Kligman ay hindi nagdulot ng anumang malubhang epekto sa mga indibidwal sa panahon ng pag-aaral, ang posibilidad ng mga salungat na epekto ng paggamit ng dexamethasone sa mahabang termino (pagkasayang ng balat, telangectasia, atbp.) ay naging sanhi para sa ibang mga mananaliksik na gumamit ng mga steroid na hindi masyadong malakas sa halip ng dexamethasone sa pormulasyon na ito.

Nabagong Formulasyon ni Kligman:

  • Ang mga pormulasyon na ito ay naglalaman ng hydroquinone, tretinoin, at hindi gaanong malakas na mga steroid tulad ng hydrocortisone o triamcinolone sa halip ng dexamethasone. Ang mga pormulasyon na ito ay naipakita na napaka-epektibo para sa pagpapaputi ng balat at mas ligtas kaysa sa pormula ng orihinal na Kligman para sa mahabang panahon ng paggamit. Ang nabago na pormulasyon ni Kligman ay inilalapat isang beses araw-araw at makikita ang mga resulta pagkatapos ng 6 hanggang 8 linggo.
  • Ang mga epekto tulad ng panangdaliang pamumula at pagbabalat ay karaniwan sa mga unang linggo ng paglapat nito.

ALAM MO BA? Sa pangkalahatang pagsasalita, ang isa sa mga pinaka-mahalagang problema sa mga produktong may hydroquinone ay ang paglalaman ng mga ito ng mga thiol compound (sulphites) na idinadagdag bilang mga preserbatibo upang maiwasan ang pagkabulok ng hydroquinone. Ang mga thiol compound, gayunpaman, ay maaaring umaksyon bilang malakas na mga pamparamdam at maaaring magdulot ng mga palatandaan ng pamamaga sa balat o malubhang reaksyon ng alerhiya kabilang na ang mga sintomas ng anaphylaxis at atake ng hika na nagbabanta sa buhay Pormulasyon ni Pathak:

  • Ang pormula na ito ay kumbinasyon ng hydroquinone at tretinoin na walang kasama na steroid. Ang epekto nito sa pagpapaputi ay mas mababa kaysa sa pormulasyon ni Kligman ngunit mas makabuluhan ito kaysa sa hydroquinone na ginagamit na nag-iisa.
  • Ang pormula na ito ay walang potensyal na epekto galing sa mga pormulasyon na naglalaman ng steroid ngunit ito ay masyadong nagpapaputi ng madilim na balat. Ang pormula ni Pathak ay nagpapaputi ng kutis sa mga maiitim na mga indibidwal.
  • Ang mataas na bisa ng pormula na ito para sa paggamot ng melasma ay ipinapakita sa ilang mga pag-aaral. Sa isang klinikal na pagsubok na ginawa nina Pathak et al, na pinag-aralan ang 300 na mga kababaihang Español na may melasma, ay nagpakita ng pinakamahusay na resulta at minimal na masamang epekto ang pormulasyon ng cream o losyon na naglalaman ng 2% HQ at 0.05-.1% tretinoin.

ALAM MO BA? Ang Hydroquinone ay isang hydrophilic na kemikal, samakatuwid, hindi ito pumapasok sa balat ng mabuti. Naipakita din na ang paggamit ng hydrophilic base (vehicle) ay nagpapahusay ng pagpapaputing epekto ng gamot na ito, marahil dahil sa pagpapahusay nito sa pagpasok ng gamot sa panlabas na bahagi ng balat. Hydroquinone at mga alpha-hydroxy na asido

  • Ang mga alpha-hydroxy na asido (AHAs) ay mga carboxylic na mga asido na may OH na grupo sa alpha posisyon ng kanilang carboxylic na grupo. Ang mga asido na ito ay may natural na pinagmumulan. Ang pinaka-kilalang mga AHAs ay ang glycolic acid (matatagpuan sa tubo), lactic acid (matatagpuan sa yogurt) at sitrikong acid (matatagpuan sa limon). Ang mga AHA ay may ilang mga kapaki-pakinabang na mga epekto kapag ginamit sa balat ng tao sa mababang konsentrasyon. Ang mga asido na ito ay maaaring magpabilis ng pagtubo ng balat (tulad ng mga retinoid) at may epekto laban sa tagihawat at kulubot at may mahinang kakayahan sa pagpapaputi.
  • Kahit na ang pagpapaputing epekto sa balat ng mga asido na ito ay hindi masyadong nakikilala, ang mga ito ay nagpapadagdag sa pagpapaputing epekto ng hydroquinone. Ang glycolic acid ay ang may pinakamababang timbang molekular na kabilang sa mga AHA at pinapaniwalaan na pumapasok ito sa balat ng mas mahusay kaysa sa iba.
  • Ang mga hydroquinone-glycolic acid na pormulasyon ay mahusay na nagpapaputi ng balat, ngunit dapat isipin ang mga masamang epekto nito tulad ng pamumula at banayad o katamtamang pagbabalat. Ang paggamit ng mga pormula na ito ay nagpapaputi ng mukha tulad ng mga lugar sa katawan na hindi naiinitan. Samakatuwid, ito ay madali para sa mga indibidwal na matukoy kung gaano sila kaputi gamit ang mga pormulasyon na ito. Ang mga pormulations na ito ay mabisa din na mga produkto para sa paggamot ng melasma at maaaring piliin bilang unang linya para sa paggamot ng melasma. Ang hydroquinone-glycolic acid ay inilalapat sa balat nang isang beses sa isang araw at tumatagal ng 1-2 na buwan bago makita ang result ng pagpapaputi.

Hydroquinone-Kojic acid-Glycolic acid

  • Ang kojic acid ay natural na sangkap na ginagamit sa Japan bilang sangkap sa pagkain at pinapaniwalaan na ang ito ay may pakinabang sa kalusugan. Ang produktong ito ay nagmumula sa halamang-singaw at ang kemikal na istraktura nito ay kahawig ng ascorbic acid.
  • Ang paglapat ng kojic acid sa balat ay nagpapaputi nito. Naipakita na ang kojic acid-glycolic acid na pormulasyon ay kasing-bisa ng hydroquinone-glycolic na mga pormulasyon para sa paggamot ng melasma ngunit ito ay nagpapairita ng konti. Sa kabilang banda, ang pagdadagdag ng kojic acid sa mga produktong may hydroquinone ay nagpapahusay ng epekto ng hydroquinone laban sa melasma. Ang kumbinasyon ng tatlong sangkap na ito ie, hydroquinone, kojic acid at glycolic acid ay ginagamit bilang mabisang paggamot para sa mga hyperpigmentary na karamdaman.
  • Ang mga masamang epekto tulad ng pansamantalang iritasyon sa balat at palatandaan ng pamamaga ay maaaring mangyari sa panahon ng unang linggo ng paglapat nito. Maaaring tumagal ng 4-6 na linggo para lumitaw ang resulta ng pagpapaputi.

Kontrobersya ng Hydroquinone: Ang Hydroquinone (HQ) ay isang antioxidant na molekyul na may aktibidad sa pagpapaputi ng balat. Ang sangkap na ito ay malawakang ginagamit sa pagpapaputi ng balat sa loob ng maraming taon. Ipinapakita sa isang klinikal na pag-aaral na ang paggamit ng hydroquinone 3% sa loob ng anim na taon ay hindi nauugnay sa anumang uri ng kanser sa balat.  © 2009 Português Italiano Español English Français русский язык Deutsch 中文–漢語 日本語


Category : Hydroquinone - Modifie le 04.5.2013