Section : Mga Sakit Sa Balat

Eksema sa Kamay (Hand eczema) (Tagalog)

Ano ang Eksema sa Kamay (Hand Eczema)?

  • Ang eksema sa kamay ay isang pangkaraniwang kondisyon ng balat na nakakaapekto sa mga pasyente na nasa kahit anong edad, lalo na ang mga batang adulto. Maaari itong dulot ng
  1. Konstitusyonal na salik, at iyon ay, ang likas na sensitibong balat.
  2. Iritasyon mula sa masyadong pagkakalantad sa basang trabaho, mga sabon, langis at grasa, etc mga solvent sa bahay o sa lugar ng trabaho.
  3. Contact allergy sa isang partikular na sangkap, halimbawa semento, nikel, lanolin at iba pa o kumbinasyon ng mga ito
  4. Ang eksema sa kamay ay malamang hindi dulot ng diyeta. Isang kuru-kuru na ang pagkain ng mga pagkaing-dagat ay sanhi ng eksema sa kamay. Ito rin ay hindi isang impeksiyon, at hindi ito kumakalat sa ibang mga tao.

Ang iyong duktor ay:

  • Maaring magreseta ng mga wet dressing, medicated cream, o ointments o tablet upang sugpuin ang eksema.
  • Papayuhan ka tungkol sa kung paano mo maiwasan ang mga irritant sa tahanan at sa lugar ng trabaho.
  • Tutulong sa’yo upang maalis ang anumang contact allergy na nagiging sanhi o nagpapalubha ng iyong eksema sa kamay. Ginagawa ito sa pamamagitan ng mga pagsubok sa skin allergy (Patch test at prick test).

Chronic contact eczema (dermatitis) of the hands

Talamak na contact eksema (dermatitis) ng mga kamay

Ang dapat mong gawin ay:

  • Tulungan ang iyong doktor sa pamamagitan ng pagsabi sa kanya ng mga bagay na may kontak ka sa iyong tahanan at sa lugar ng trabaho. Kabilang dito ang mga pampaganda at mga produkto na nag-aalaga sa balat, pati na rin ang mga gamot na ginagamit sa balat.

Kapag ginagawa ang gawaing-bahay:

  • Protektahan ang iyong sarili mula sa mga basang bagay sa pamamagitan ng pagsuot ng plastik o gomang guwantes. Huwag magsuot ng guwantes sa loob ng matagal na panahon.
  • Iwasan ang paghawak ng mga prutas, mga gulay at hilaw na karne. Gumamit ng guwantes para maghanda ng mga pagkain.
  • Iwasan ang paghugas ng mga maruming diaper gamit ang hubad na mga kamay. Huwag lamirain ang mop sa sahig gamit ang hubad mga kamay.

© 2009

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

National Skin Centre. Singgapur

Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna

English Français Português Español 日本語 Deutsch Italiano


Category : Eksema sa Kamay (Hand eczema) - Modifie le 08.11.2013