Section : Mga Sakit Sa Balat

Problema Ng Balat Sa Mga Maliliit Na Bata (Tagalog)

Atopic Dermatitis

1. Ano ang Atopic Dermatitis?

  • Ang atopic dermatitis o eksema ay ang pangangati, pagkatuyo at pamumula ng balat.
  • Ito ang pinakakaraniwang uri ng sakit sa balat ng mga bata.
  • Ito ay hindi nakakahawang sakit.
  • Ang mga bata na may atopic dermatitis ay may sensitibong balat na madaling mairita.

2. Bakit may atopic eksema ang aking anak?

  • Ang atopic eksema ay isang namamanang sakit na may kaugnayan sa sensitibong balat dahil sa kakulangan ng protina sa ibabaw na tinatawag na fillagrin.
  • Ang kundisyon ay madalas na nauugnay sa pamilya na may kasaysayan ng eksema, hika o sipon
  • Maraming mga panlabas na kadahilanan na maaaring magpalala ng eksema.

3. Ano ang mga klinikal na pagpapakilala ng atopic eksema?

  • Karamihan sa mga pasyente ay nagpapakita na may eksema (pamumula, pangangaliskis at pamamaga) sa mukha, kamay at paa at gitnang parte ng katawan.
  • Ang mga baluktot na parte ng katawan ay maaaring mas malubhang apektado.
  • Ang kundisyon ay napaka-makati.
  • Ang pagbabalat ay maaaring mangyari kapag ang eksema ay magiging impeksyon.

4. Ano ang nagpapalubhang kadahilanan sa eksema? Paano maiwasan ang mga ito?

  • Ang mga nagpapalubhang kadahilanan ay ang mga sumusunod:
  1. Biglaang pagbabago ng temperatura ng kuwarto, masipag na pag-ehersisyo at mainit o mahalumigmig na panahon.
  2. Sintetiko o yari sa lana na pananamit. Ang mga bata ay dapat magbihis ng koton.
  3. Emosyonal na kaguluhan
  4. Madalas na paggamit ng mga sabon, mabulang pampaligo o mainit na tubig. Gumamit ng banayad na sabon o sabon pamalit tulad ng emulsifying na pamahid. Ang temperatura ng tubig ng paliguan ay dapat malamig.
  5. Usok ng sigarilyo. Sa saradong silid, ang usok ay makakairita ng balat. Dapat itigil ang paninigarilyo sa loob ng bahay.
  6. Balahibo ng aso at pusa. Ang lahat ng mga mabalahibo na alagang hayop ay maaring magpalala ng eksema. Huwag panatilihin ang mga pusa at aso sa bahay.
  7. Nakakairitang pagkain at laway. Ang asidong katas ng mga citrus na prutas halimbawa ang dalandan at mga gulay tulad ng kamatis ay maaaring maging sanhi ng eksema sa paligid ng bibig. Ito ay madalas palalain ng pagdila ng bibig at pagtulo ng laway.

5. Maari bang mawala sa anak ko ang eksema?

  • Ang inklinasyon para sa sensitibong balat ay mananatili sa iyong anak kahit sa malabatang mga taon.
  • Gayunpaman, ang eksema ng iyong anak ay dahan-dahang mapabuti habang sila ay tumatanda at ilan lamang ang magpapatuloy na magkaroon ng malalang eksema sa katandaan.

6. Ang eksema ba ay dahil sa alerhiya?

  • Hindi, ang eksema ay karaniwang hindi nagiging sanhi ng anumang alerhiya.
  • Ang mga batang may atopic na eksema ay may balat na sobrang sensitibo na umeepekto sa maraming materyales na dumidikit sa ibabaw ng balat.
  • Kahit na maraming tao ang naniniwala na ang alerhiya ay nagiging sanhi ng atopic na eksema, ang mga ito ay simpleng paniniwala at hindi napapatunayan sa pamamagitan ng siyentipikong pag-aaral.

7. Maari bang matulungan ng mga pagsubok sa alerghiya ang eksema ng aking anak?

  • Hindi. Ang mga batang may atopic na eksema ay karaniwang nagpapakita ng maramihang mga positibong reaksyon sa mga pagsubok ng balat, na may maliit na kaugnayan sa paggamot.
  • Ang mga pagsubok ng alerhiya sa dugo ay hindi kapaki-pakinabang sa paggamot ng atopic na eksema.

8. Bawal ba ang paglangoy ng mga batang may eksema?

  • Walang mga kontraindikasyon sa paglangoy sa dagat ng mga pasyente na may atopic na eksema.
  • Sa mga swimming pool, ang chlorinated na tubig ng pool ay maaaring makairita ng balat.

9. Paggamot ng atopic na eksema ng iyong anak

Walang isang gamot na makakapagpagaling ng eksema. Posible na makontrol ang eksema sa mabisa na pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng isang simpleng plano ng paggamot:

  • 1) Mga Emollient

Ito ang mga produkto na nagpapabasa at nagpapalambot ng balat. Tumutulong ang mga ito upang mabawasan ang pangangati at pagkamot, ito ay ligtas at dapat gamitin ng madalas.

  • 2) Mga pamahid na kremang may steroid

Ang paggamit ng naaangkop na lokal na mga steroid ay ligtas at mahalagang bahagi ng paggamot. Ang iyong doktor ang magbibigay ng payo tungkol sa naaangkop na krema na dapat mong gamitin.

  • 3) Gamot para sa pangangati (antihistamine)

Ito ay binibigay isang oras bago matulog at makakatulong sa bata upang mapalagay at matulog ng maayos.

  • 4) Mga Antibiotiko

Ang balat na may eksema ay tila umaakit ng ilang mga bakterya sa balat. Ang mga antibiotiko ay nag-aalis ng mga bakterya na ito at maaaring mapabuti ng eksema. Ang iyong doktor ay magpapayo sa iyo kung ang mga antibiotiko ay kinakailangan.

  • Para idagdag sa mga nabanggit sa itaas, ang mga kuko ay dapat panatilihing maikli upang maiwasan ang pagpintas ng malubha.

Discoid eczema (Nummular eczema)

1. Ano ang discoid eczema?

  • Ito ay isa pang uri ng eksema na pangkaraniwan sa mga bata at mga batang matatanda.
  • Sila ay nagpapakita bilang bilog at mapulang tagpi ng eksema o pamamaga ng balat na matatagpuan lamang sa mga kamay at mga binti. Ang mga lesyon ay parang barya, samakatuwid ang terminong ginamit ay discoid eksema.

2. Klinikal na Anyo

May dalawang uri ng discoid eczema:

  • a) Wet form o basang uri: tumatagas at nagbabalat
  • b) Dry form o tuyong uri: may pamumula at pangangaliskis

Ang dalawang uri na ito ay paulit-ulit, at tumatagal ng ilang mga buwan kapag hindi nagamot.

3. Bakit mahalaga na makilala ang discoid eksema?

  • Ang discoid eksema ay madalas mapagkamalan na buni.
  • Hindi ito tumutugon sa antifungal na krema.

4. Paggamot:

  • Ang paggamot ay gumagamit ng kremang steroid na may katamtaman ang lakas.
  • Ang mga lesyon ay mabagal na malutas at ang paggamot ay tumatagal bago makikita ang pagpapabuti.

Nummular or discoid eczema

Nummular o discoid eczema

Diaper Dermatitis

1. Ano ang Diaper Dermatitis?

  • Ito ay sakit sa balat ng ​​pagkabata.
  • Ito ay nakakaapekto sa mga bata na nasa ilalim ng edad na 2 taon.
  • Ito ay pamamaga ng balat na nagreresulta mula sa iritasyon ng balat mula sa mga kemikal sa ihi at tae.
  • Mayroong itong 4 na presentasyon:
  1. Ang pinaka-karaniwang presentasyon ay ang “chafing dermatitis”. Ito ang pinakamadalas na makikita sa mga batang 7 hanggang12 ang buwan ng edad, na kung kailan ang karamihan ng ihi ng sanggol ay lumalampas sa kapasidad ng lampin para sumipsip nito. May paglahok ang matambok na ibabaw ng mga paa, puwit at baywang.
  2. Ang pangalawa ay ang “perianal dermatitis” na kung saan ang dermatitis ay limitado sa lugar sa paligid ng puwit. Ito ay nakikita sa mga bagong-silang na sanggol na nakakaranas ng pagtatae.
  3. Ang ikatlong presentasyon ay nailalarawan sa pamamagitan ng mababaw na mga ulser na nakakalat sa buong lugar ng lampin.
  4. Ang ikaapat na presentasyon ay binubuo ng dumadaloy na pamumula na may mga satellite na lesyon na sumasakop sa singit at pag-aari ng lalaki o babae. Ito ay dahil sa pangalawang yeast (isang fungal) impeksiyon.

2. Ano ang dahilan ng diaper dermatitis?

  • Ang dermatitis sa diaper ay resulta ng matagal na kontak sa balat ng ihi at tae.
  • Ang masikip na hadlang sa tae at ihi dulot ng lampin ay nagpapadami ng pagtagos ng mga sangkap na alkalina sa balat.

3. Ano ang gamot dito?

  • Konsultahin ang inyong doktor para sa payo. Iwasan ang paggamot ng sarili.
  • Ang batayan para sa paggamot ng dermatitis na dulot ng lampin ay upang alisin ang ihi at tae mula sa ibabaw ng balat at maiwasan ang pagkapagod ng balat sa pamamagitan ng pagpapanatili ng lugar ng lampin na tuyo.
  1. Ang pagpapadulas ng balat na naka diaper sa pamamagitan mamantikang pamahid ang nagpapababa ng kalubhaan ng dermatitis mula sa lampin at pinoprotektahan ang balat mula sa ihi at tae.
  2. Ang madalas na pagpalit ng lampin na sinusundan ng paglagay ng ungguwento ay naglilimita ng pagkapagod sa balat at pumipigil ng pagbalik ng sakit.
  3. Ang pagpalit ng diaper sa loob ng ilang oras matapos matulog ang sanggol at ang pagbabawas ng likido bago ng oras ng pagtulog ay maaaring makatulong.
  4. Iwasan ang pagsuot ng pantalon na yari sa plastic at goma.
  5. Nangangailangan ng antifungal na krema ang impeksyon dulot ng pampaalsa sa lugar ng lampin. Ang iyong doktor ay magrereseta ng naaangkop na gamot.
  6. Sa malubhang dermatitis, ang iyong doktor ay maaaring magreseta ng hydrocortisone 1% cream dalawang beses araw-araw upang makatulong na bawasan ang kahirapan ng sanggol.

© 2009

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

National Skin Centre. Singgapur

Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna

Italiano Português Français Deutsch Español 日本語 English


Category : Problema Ng Balat Sa Mga Maliliit Na Bata - Modifie le 03.18.2013