Section : Tradisyonal Na Produktong Pampaputi

Azelaic Acid (AZA) (Tagalog)

  • Ang AZA ay isang dicarboxylic na asido na galing sa halamang-singaw na Malassezia fur fur. Ang impeksiyon sa balat ng halamang-singaw na ito ay nagiging sanhi ng pangmatagalang pag-iba ng kulay ng mga apektadong lugar, na pinaniniwalaan na pinapalakas ng AZA. Ang AZA ay pumipigil sa enzyme na tyrosinase, na susing melanogenic enzyme sa mga melanocyte.
  • Kapag inilapat sa balat sa 20% na konsentrasyon, ang AZA ay nagpapakita ng malaking epekto laban sa melasma na maihahambing sa epekto ng 4% hydroquinone. Ang AZA ay ipinapakita rin na mas malakas kaysa sa hydroquinone 2% para sa paggamot ng melasma. Kamakailan lamang, ang isang klinikal na pag-aaral ay nagpakita ng bisa ng AZA para sa paggamot ng mga pekas. Ang mga pormulasyon na naglalaman ng AZA at tretinoin ay iminumungkahi din at malamang na may mas malakas ang epekto sa pagpapaputi kaysa sa AZA na nag-iisa lamang. Ang mga pormulasyon na AZA ay iniulat na hiyang sa mga pasyente.
  • Ang AZA ay itinuturing bilang ligtas na sangkap at ang tanging masamang epekto nito ay ang pangangati ng balat, pamumula at ilang mga grado ng pagbabalat. Ang mga produkto na may AZA ay inilalapat isang beses sa isang araw (o ayon sa inirerekumenda ng manggagamot) para sa paggamot ng melasma o pekas at maaaring tumagal ng ilang linggo para makita ang epekto sa pagpapaputi.
  • Ang AZA ay nakita din na pwedeng magsilbi bilang isang produktong panlaban sa acne at ang AZA-tretinoin ay isang mahusay na gamot para sa rosacea. Ang AZA ay walang epekto sa pagpapaputi ng pag-itim na dulot ng UV at samakatuwid ay walang silbi na pampapaputi ng balat sa mga kayumangging indibidwal.

© 2009 English Español Français Português русский язык Deutsch 中文–漢語 日本語 Italiano


Category : Azelaic Acid (AZA) - Modifie le 04.23.2012