4-Hydroxyanisole (4-OHA) (Tagalog)
- Ang 4-OHA ay nagpapaputi ng balat sa katamtamang bisa at maaaring gamitin ito sa paggamot ng mga mga karamdamang may labis na pangingitim tulad ng melasma at mga pekas.
- Ang gamot na ito ay nagpapababa ng bilang ng mga selula na gumagawa ng melanin sa balat at maaaring labis na magpaputi ng balat.
- Gayunpaman, dapat malaman na may mga posibleng masamang epekto ito tulad ng pangangati ng balat.
- Ang hindi pantay na pagkaputi ay hindi karaniwang nangyayari kung gamit ang 4-OHA. Ang mga produktong may 4-OHA ay inilalapat isang beses o dalawang beses araw-araw at makikita ang pagkaputi ng balat pagkatapos ng 3-4 linggo ng paggamit. Ang maximum na pagkaputi ay umeepekto sa loob ng 6-8 linggo. Pagkatapos noon, ang produkto ay maaaring mailapat dalawang beses sa isang lingo upang mapanatili ang epekto ng pagpapaputi. Ang kumbinasyon ng 4-OHA at tretinoin ay lubhang nagpapahusay ng pagpapaputi ng 4-OHA.
© 2009 English Français Português Italiano русский язык Deutsch 中文–漢語 日本語 Español
Category : 4-Hydroxyanisole (4-OHA) - Modifie le 04.6.2013