Section : Mga Paggamot

Antifungal Na Preparasyon Sa Balat (Tagalog)

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

Kung ikaw ay niresetahan ng antifungal sa balat, maaaring ito ay isa sa mga sumusunod (ang listahan ay hindi kumpleto):

Mga Krema/ Mga Pamahid

  • Ciclopiroxolamine
  • Econazole
  • Miconazole
  • Clotrimazole
  • Ketoconazole
  • Nystatin
  • Terbinafine

Mga Likido

  • Amorolfine
  • Ciclopiroxolamine
  • Econazole
  • Tolciclate
  • Castellani’s solution
  • Clotrimazole
  • Selenium Sulphide

Mga Pulbos

  • Clotrimazole
  • Miconazole
  • Econazole
  • Tolciclate

Mga Pesari at Mga Tableta Para Sa Puki

  • Clotrimazole
  • Isoconazole
  • Tioconazole
  • Econazole
  • Nystatin

Mga Siyampu

  • Ketoconazole

Saan Ba Ginagamit Ang Mga Antifungal?

Ang mga antifungal ay ginagamit sa paggamot ng mga impeksyon na sanhi ng halamang-singaw. Ang mga organismo na ito ay maaaring makaapekto sa balat, anit, kuko, puki at bituka. Ang gamot na ito ay inirereseta para sa kasalukuyang kondisyon ng iyong balat at hindi dapat ibigay sa ibang tao o ginagamit para sa iba pang mga problema.

Paano ba gamitin ang mga antifungal sa balat?

  • Ang mga antifungal para sa balat ay magagamit bilang mga krema, pamahid, pulbos, likido, siyampu at pesari. Gamitin ang gamot na ito ayon sa direksiyon ng iyong doktor.
  • Para sa epektibong paggamot, kumpletuhin ang buong kurso ng paggamot. Maliban sa tableta para sa puki, ipagpatuloy ang paggamot ng hindi bababa sa isang linggo pagkatapos mawala ang mga sintomas. Ang pagkabigong magawa ito ay maaaring maging sanhi ng pabalik-balik na impeksyon.
  • Ang mga gamot para sa fungal impeksiyon ng puki ay karaniwang mga krema para sa puki, tableta para sa puki o mga pesari.

Mga Crema at Pamahid

Ito ay ginagamit sa paggamot ng fungal impeksiyon sa balat. Linisin ang balat bago ilapat ang gamot na ito. Ilapat ang isang manipis na patong para ganap na masakop ang mga apektadong lugar at kuskusin ang mga ito nang malumanay sa isang pabilog na galaw hanggang sa mawala ang gamot. Ilapat ng isa o makadalawang beses araw-araw maliban kung nakadirekta ng iyong doktor.

Mga Pulbos

  • Ang mga pulbos ay para sa pag-palis sa pagitan ng mga paa o singit. Magpaspas ng mga apektadong lugar gamit ang antifungal na pulbos isa o dalawang beses araw-araw. Gamitin ang pulbos sa pagitan ng mga beses na ginagamit mo ang antifungal cream.
  • Kung mayroon kang fungal na impeksiyon sa paa, mahalaga na matuyo ang mga paa (lalo na sa pagitan ng mga paa) ng mabuti pagkatapos maghugas.

Mga Likido

Kulayan ang mga apektadong lugar at payagan matuyo ng ganap. Gamitin isa o dalawang beses araw-araw.

  • Lagyan ng Nail Lacquer Paint ang apektadong daliri o kuko ng paa isang beses o dalawang beses lingguhan. Ilapat ang mga gamot tulad ng tagubilin ng iyong doktor o parmasyutiko
  • Para sa paggamot ng katawan, ilapat ang purong gamot sa mga apektadong lugar. Iwanan sa loob ng 15 minuto o tulad ng itinagubilin ng duktor. Banlawan ng lubusan. Ulitin araw-araw para sa 1 linggo o ayon sa pagkadirekta ng iyong doktor. Para umiwas sa sakit, gamitin ng isang beses sa isang linggo.
  • Mga siyampu para sa paggamot ng anit. Ilagay ang siyampu sa basang buhok, pabulain ang sabon, at iwan sa anit sa loob ng 5 minuto. Banlawan at ulitin. Gamitin dalawang beses lingguhan sa unang pagkakataon, pagkatapos gamitin kung kinakailangan lamang o ayon sa direksiyon ng iyong doktor.
  • Selenium Sulphide: Mahalagang banlawan ang buhok ng lubusan pagkatapos magsiyampu. Ang hindi kumpletong pagbanlaw ay maaaring maging sanhi ng kulay abo / puting buhok upang maging kupas na dilaw / kulay kahel. Payagan ang oras na hindi bababa sa 48 oras sa pagitan ng pagtina ng buhok at paggamot ng gamot na ito.

Pesari / Mga Tableta Para Sa Puki

  • Ito ay hindi dapat iniinom.
  • Sumangguni sa mga de-resetang label para sa tamang mga tagubilin

Mga Krema Para Sa Puki

  • Gamitin ang gamot na ito ayon sa tagubilin ng iyong doktor o parmasyutiko.

Ano ang dapat kong gawin kung nakalimutan ko ang isang dosis?

Ilapat kung maalala sa lalong madaling tandaan. Kung halos oras na para sa iyong susunod na dosis laktawan ang napalampas na dosis. Huwag maglapat ng higit pa nito upang makabawi sa napalampas na dosis.

Ano ang iba pang mga epekto na maaaring maging sanhi ng mga antifungal para sa balat?

  • Ipaalam sa inyong doktor kung ang kondisyon ng iyong balat ay nagiging mas malala o kung may pamumula, pangangati, pangingirot o iritasyon sa lugar na pinaglagyan ng gamot.
  • Pagkasunog at pangangati (sanhi ng tableta para sa puki o krema). Kung ang mga epekto na ito ay matindi, makipag-ugnayan sa iyong doktor.

Anong pag-iingat ang dapat kong gawin?

  • Iwasan ang kontak sa iyong mga mata
  • Ipaalam sa inyong doktor kung sakaling magkaroon ng anumang hindi pangkaraniwan o reaksiyong alerhiya sa anumang lokal na preparasyon.
  • Ang mga babae na buntis o nagbabalak na magbuntis ay dapat magbigay-alam sa kanilang duktor bago gumamit ng krema sa puki o pesari.
  • Makipag-ugnayan sa inyong doktor kung ang iyong kalagayan ay hindi mapabuti.

Kung may mga pagdududa, kumunsulta sa inyong duktor o parmasiyotiko.

© 2009

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

National Skin Centre. Singgapur

Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna

Español Italiano Português English Français Deutsch русский язык 日本語


Category : Antifungal Na Preparasyon Sa Balat - Modifie le 07.30.2012