Acne Vulgaris (Tagihawat) (Karaniwang Acne) (Tagalog)
Acne vulgaris (tagihawat) (karaniwang acne)
Ano ang sanhi ng acne?
May mga ilang sanhi ng acne. Ang isang teorya ay tungkol sa katunayan na kapag ang hormon ng lalaki (testosterone) ay tumataas sa panahon ng pagbibinata, ang balat ng taong naaapektuhan ng tagihawat ay umaapekto sa hormon at naglalabas ng labis na sebum. Walang nakakaalam kung bakit ang mga glandula ng langis ng ilang indibidwal ay gumagawa ng higit pang sebum kesa iba, ngunit kapag nangyari ito, ang mga glandula ng langis ay bumabara. Ito ay humahantong sa pagbuo ng comedones – blackheads at whiteheads. Sa ilang mga tao, ang acne ay hindi nagpapatuloy ng higit pa sa yugtong ito, ngunit karaniwang nangyayari ito.
Ang bakterya na matatagpuan sa mas malalim na bahagi ng mga follicle ng buhok at sa ilalim ng sebum ay naglalabas ng sangkap kemikal na umaaksyon sa sebum upang sirain ito at palabasin ang iba pang mga sangkap na kemikal. Ang mga kemikal na ito ay nagdudulot ng pamumula at pamamaga sa paligid ng follicle ng buhok at nagreresulta sa tagihawat. Kung matutuloy ito, maaaring umipon ang nana sa loob ng tagihawat. Pagkatapos nito ay bumubuo ang malalaki at masakit na mga bukol na tinatawag na mga nodule at cyst at magreresulta sa pagkakapilat pagkatapos manatili ang kondisyon. Ang mga pilat na ito ay maaaring bumaba o mapalubog, o napaumbok at maging matigas.
Maling Paniniwala?
- « ang tsokolate at matabang pagkain ay maaring maging sanhi ng acne »: ito ay napaka-kontrobersyal ngunit ang acne ay sanhi ng langis sa mga follicle, at hindi sanhi ng pagkain sa iyong tiyan.
- « ang liwanag ng araw ay nagpapagaling ng acne »: walang katibayan na ito ay totoo.
- « ang acne ay lumalala kapag hindi ko hinuhugasan ang aking mukha »: ang acne ay hindi sanhi ng dumi.
- « acne ay mula sa pagkakaroon ng masyadong maraming sex »: naku po, ito ay mali!
- « ang masturbesyon ay nagiging sanhi ng acne »: siyempre hindi!
Ano ang dapat gawin kung meron akong acne?
Sumangguni sa iyong dermatologo ng maaga pa. Madalas na isang seryosong pagkakamali ang paghihintay na “mapagkalakhan” ang acne, dahil ang medikal na paggamot ay maaaring magpabuti ng iyong hitsura at maiwasan ang pagbuo ng matindi at permanenteng mga pilat.
Paano ba ginagamot ang acne?
a. Paggamot na inilalapat sa balat
Ang mga pasyente na may banayad na acne ay karaniwang tumutugon na rin sa pangkasalukuyang paggamot. Kabilang dito ang sulfur at resorcinol na mga preparasyon, benzoyl peroxide na naglalaman ng mga preparasyon, antibiotiko (erythromycin at clindamycin dyel at losyon) at mga krema at dyel na mula sa bitamina A (adapalene at tretinoin). Ang ilang mga losyon o krema ay maaaring magdulot ng pagkapula o pagtumpik-tumpik ng balat ngunit ang mga epektong ito ay karaniwang pansamantala lamang. Sumangguni sa iyong dermatologo kung ang kanilang mga losyon o krema ay pwedeng magdulot ng labis na pamumula o pangangati.
b. Paggamot na Iniinom
Kung ang iyong acne ay lumala at magkaroon ka ng maraming patak na namamaga, ang lokal na paggamot ay maaaring hindi maging sapat. Ang iyong dermatologo ay maaaring magreseta ng tabletang antibiotiko tulad ng doxycyline, erythromycin o minocycline.
Alinmang antibiotiko ang inirereseta, kailangan inumin mo ang mga ito sa loob ng ilang buwan.
c. Para sa malubhang acne
Sa ilang napakaseryosong mga kaso na hindi tumutugon sa paggamot sa itaas, o sa mga kaso ng malubhang nodulocystic acne, ang gamot na tinatawag na isotretinoin ang karaniwang binibigay. Ang gamot na ito ay epektibo ngunit maaaring magdulot ng masamang epekto, ang pinakaseryoso sa mga ito ay ang pinsala sa mga bagong panganak na sanggol kung ito ay iniinom sa panahon ng pagbubuntis.
Ang diyeta ba ay pwedeng magdulot o magpalala ng acne?
Walang malakas na katibayan sa agham na nagpapakita na ang dyeta ay pwedeng mag-impluwensiya ng acne. Sa karamihang mga kaso, hindi kinakailangan ang mahigpit na pagdyeta.
Paano ko dapat hugasan ang aking mukha?
Alisin ang langis sa ibabaw ng mukha sa pamamagitan ng paghugas ng banayad na sabon at tubig o gamit ang banayad na panlinis na may gamot. Huwag gumamit ng mga malupit na panlinis. Tandaan, hindi mo maaaring hugasan ang acne upang ito’y mawala.
Nag-aapekto ba sa kinalalabasan ng tagihawat ang pagpisil nito?
Hindi marapat na pisilin ang mga tagihawat, lalo na kung ang mga ito ay malalim. Ang mababaw na maputi-puti o madilaw-dilaw na tagihawat ay maaaring pisilin upang alisin ang sosyong nilalaman. Kung labis na presyon ang dapat gamitin upang alisin ang mga nilalaman, huwag pisilin ang tagihawat. Kapag gawin ito, ang materyal na nakakairita ay pwedeng sumiksik sa nakapalibot na balat (namamagang balat) at magdulot ng mga tagihawat na maaaring lumaki, tumagal ng mahabang panahon at magreresulta sa pagkakapilat.
Maaari ko bang itago ang aking mga acne spot?
Maaari kang gumamit ng maliit na concealer bilang tagapagtago hangga’t maaari at tiyakin na ang ito ay hindi comedogenic (= ay hindi nagdudulot ng mga tagihawat). Alisin ang krema sa lalong madaling panahon kung hindi mo na kailangan ito.
Maaari ba akong gumamit ng mga kosmetiko o mga sunscreens kapag meron akong acne?
Ang mamantikang make-up ay maaaring magpalubha ng acne. Gumamit ng mga kosmetikong nalulusaw sa tubig at walang mantika na hindi bumubuo ng mga comedone o tagihawat. (non comedogenic). Humingi ng tulong sa pagpili ng mga pampaganda.
Ang acne ay kondisyon na bumubuo sa paligid ng mga follicle ng buhok pati na rin sa mga glandula nito na gumagawa ng mantika (tinatawag na sebaceous gland). Kahit na mayroon tayong mga glandula sa ating mga katawan, sa mga parte lamang tulad ng mukha, dibdib at likod bumubuo ang acne. Ang langis galing sa sebaceous gland ay tinatawag na sebum at ito ay nagsisimulang lumitaw sa lalong madaling panahon matapos ng pagbibinata o pagdadalaga. Ang acne ay karaniwang nagsisimula sa malabatang panahon ngunit maaari ring magsimula ito sa edad na dalawampu hanggang sa tatlumpu.
© 2009
Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland
National Skin Centre. Singgapur
Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna
English Français Italiano Español Português 日本語 Deutsch
Category : acne vulgaris - Modifie le 01.29.2013Category : karaniwang acne - Modifie le 01.29.2013Category : tagihawat - Modifie le 01.29.2013