Section : Mga Sakit Sa Balat

Urticaria (Tagulabay) (Tagalog)

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

Urticaria (tagulabay)

Ano Ang Urticaria (Tagulabay)?

  • Ang urticaria o karaniwang tinatawag na tagulabay, ay makating pantal na binubuo ng mga naisalokal na mga paglaki sa balat na karaniwang tumatagal mga ilang oras bago kumupas.
  • Kapag ang tagulabay ay mamuo sa paligid ng mga maluwag na tisyu sa mga mata o mga labi, ang mga apektadong lugar ay maaaring magkabukol ng labis.
  • Kahit na nakakatakot ang hitsura, ang pamamaga (na tinatawag na angio-edema) ay nawawala sa loob ng 12-24 oras ng paggamot.

Paano namumuo ang tagulabay?

  • Ang tagulabay ay nagreresulta mula sa mga pagbabago sa mga maliit na daluyan ng dugo sa balat.
  • Ang ganitong mga pagbabago ay nagpapalaya ng ilang mga sangkap sa katawan, kung saan ang pinakakaraniwan ay ang histamine.
  • Ang histamine ay inilalabas mula sa mga selula na tinatawag na mast cells sa pamamagitan ng alerhiya o di-alerhiyang reaksyon.

Ano ang nagiging sanhi ng iisang pag-atake ng tagulabay?

  • Ang matinding tagulabay, na maaaring tumagal mula ilang oras hangga’t isang linggo ay karaniwang sanhi ng mga gamot, tiyak na pagkain o viral na impeksiyon. Minsan, ang dahilan ay hindi napapansin.
  • Ano ang mga pagkain na maaaring maging sanhi ng matindi at paulit-ulit na pag-atake ng tagulabay?
  • Ang mga pagkain na maaaring maging sanhi ng tagulabay ay kabilang ang mga:
  1. Mani
  2. Itlog
  3. Preskang prutas (lalo na ang mga citrus)
  4. Tsokolate
  5. Isda at pagkaing-dagat
  6. Kamatis
  7. Gatas at keso
  8. Mga pampalasa
  9. Mga pampaalsa
  • Ang mga idinadagdag sa pagkain at mga pampatagal tulad ng tartrazine (dilaw tinain) ay maaari ring maging responsable. Ang mga pantal ay maaaring lumitaw sa loob ng ilang minuto o ilang oras matapos ang paglunok ng pagkain depende sa bilis ng pagsipsip.

Ano ang mga gamot na maaaring maging sanhi ng tagulabay?

  • Ang mga gamot na karaniwang sanhi ng tagulabay ay kabilang ang mga:
  1. Pamatay-sakit/Gamot para sa rayuma tulad ng aspirin at codeine
  2. Mga antibyotiko tulad ng penicillin at mga sulphonamide
  3. Gayunpaman, ang anumang gamot ay dapat na pinaghihinalaan kahit na ito ay matagal nang iniinom na walang masamang epekto dati. Ang mga gamot ay karaniwang sanhi ng matalas na tagulabay ngunit maaaring sila din ang magpapalubha ng talamak na tagulabay.

Ano pa ang maaaring maging sanhi ng tagulabay?

  • Ang paulit-ulit na pag-atake ng tagulabay ay maaaring magmula sa mga pisikal na ahente tulad ng:
  1. Sinag ng araw
  2. Lamig
  3. Pwersa
  4. Pawis
  • Ang tagulabay na nagmumula sa naturang mga ahente ay tinatawag na pisikal na tagulabay. Ang kausatiba ahente ay karaniwang kinikilala ng pasyente.

Talamak na tagulabay

  • Ito ay tagulabay na nagaganap halos araw-araw at nagtatagal ng higit sa dalawang buwan.
  • Sa karamihan ng mga pasyente, walang matatagpuan na dahilan o makabuluhang nagpapalubhang kadahilanan.
  • Ang pisikal na tagulabay ay maaari ring makita sa ilang mga pasyente.
  • Ang alerhiya sa pagkain ay bihirang maging sanhi ng talamak at masugid na tagulabay kahit na ang ilang mga pagkain ay maaaring magpapalala nito.
  • Ang mga impeksyon tulad ng candidiasis (isang uri ng lebadurang impeksiyon) ay maaaring maging dahilan, bagaman, hindi karaniwan.
  • Ang emosyonal na stress ay kilalang nagpapalala ng talamak na tagulabay sa ilang mga kaso.
  • 50% ng mga kaso ng talamak na tagulabay ay nawawala sa loob ng 6 na buwan.

Paano ba ginagamot ang tagulabay?

  • Ang pinakamahusay na paggamot sa tagulabay ay upang makilala at maiwasan ang dahilan at anumang nagpapalubhang kadahilanan.
  • Habang sinisiyasat ang sanhi, ang mga anti-histamine ay inirereseta para sa kaluwagan ng pakiramdam.
  • Ang mga antihistamine:
  1. kapag iniinom ay tumatagal ng halos 90 minuto bago pabawahin ang nabuong tagulabay.
  2. gumagana ng husto kapag regular na iniinom upang maiwasan ang pagbuo ng mga pantal.
  3. Upang maiwasan ang mga masamang epekto tulad ng antok, ang mga di-nakakaantok na antihistamine ay magagamit.
  4. Hindi epektibo ang mga antihistamine cream
  • Ang mga elimination diet ay hindi makakatulong maliban kung ang isang partikular na pagkain ay pinaghihinalaan.
  • Ang mga pagsubok sa balat ay karaniwang hindi ginagamit.
  • Ang mga pagsubok sa dugo at ihi ay minsan ginagawa upang ibukod ang impeksiyon bilang sanhi ng talamak na tagulabay.

© 2009

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

National Skin Centre. Singgapur

Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna

Français English العربية 中文-汉语 中文-漢語 Deutsch Español Italiano Português русский язык 한국어 日本語


Category : Tagulabay - Modifie le 05.30.2012Category : urticaria - Modifie le 05.30.2012