Palatandaan Sa Balat Ng Mga Panloob Na Kanser (Tagalog)
Ang balat ay madalas na sumasalamin sa mga panloob na proseso. Ang ilang mga sakit sa balat ay nauugnay sa kanser at maaaring maglingkod bilang mga poste na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng hindi madaling makita na panloob na kanser. Ang pagkilala sa mga pagbabago sa balat ay maaaring magresulta sa mas maagang diyagnosis at paggamot ng kanser. Ang mga sakit sa balat na nauugnay sa kanser ay maaaring hatiin sa 2 grupo:
- Sakit sa balat na iniuugnay sa panloob na kanser.
- Sakit sa balat na dulot ng direktang pagkalat ng mga panloob na kanser sa balat.
1. Sakit sa balat na iniuugnay sa panloob na kanser.
- Ang mga sakit sa balat na ito ay madalas hindi nakakakanser ngunit maaaring mangyari ito sa mga indibidwal na may panloob na kanser.
- Ang ilan sa mga ito ay nangyayari sa parehong oras na nangyayari ang kanser. Ang ilan sa mga sakit sa balat ay maaring mawala pagkatapos na ang kanser ay maoperahan at lumalabas muli kapag ang kanser ay muling nandoon.
- Ang pagkakaroon ng mga sakit sa balat ay dapat matingnan ng iyong doktor para sa mga kalakip na kanser. Mas madalas kaysa hindi, walang kanser na matatagpuan sa panahong iyon.
- Acanthosis Nigricans (AN)
- Sa ganitong kalagayan, ang mga tiklop ng balat sa mga lugar tulad ng kilikili, leeg at singit ay kumakapal, umiitim at nagiging makinis. Ang mga utong, pusod, siko at tuhod ay maaari ring maapektuhan.
- Ang sakit sa balat na ito ay maaaring nauugnay sa mga kanser sa tiyan at kanal ng ihi.
- Ang AN ay madalas nangyayari sabay-sabay sa kanser at ang kurso nito ay tulad din nung sa kanser.
- Ang AN ay maaaring namamana o nauugnay sa hindi nakakakanser na sakit tulad ng diyabetis mellitus, sakit sa teroydeo, paggamot gamit ang mga hormon at labis na katabaan.
Acanthosis Nigricans
- Nagpapaltos Na Karamdaman sa Balat
- Ang pempigus, isang grupo ng mga sakit sa balat na may katangiang paltos na madaling mabasag, ay maaaring nauugnay sa mga tumor ng anumang panloob na glandula na ang tawag ay glandula na thymus. Ang mga pasyente na may panloob na bukol na ito ay madalas nagdudusa sa sakit na myasthenia gravis, isang kalagayan na may natatanging pakakapagod at paghina ng mga kalamnan.
- Ang iyong doktor ay gagawa ng maingat na eksaminasyon at pag-x-ray upang matingnan ang panloob na tumor kapag kinakailangan.
- Sa isa pang uri ng namamaltos na sakit sa balat na kung tawagin ay paraneoplastic pempigus, may pagpapaltos sa balat at pagguho na may malubhang sakit at mga ulser ng bibig at ari.
- Ang sakit sa balat na ito ay palaging nauugnay sa kanser ng mga selula ng glandula ng lymph.
- Ang sakit na kung tawagin ay porphyria cutanea tarda na nagbibigay ng pagkasensitibo ng balat sa sinag ng araw at mayroong pamamaltos at pagbabalat sa mga lugar na palaging nakalantad sa araw tulad ng mga kamay, braso at mukha at kung minsan ay may pagtubo ng buhok sa mukha ay nangyayari sa mga pasyenteng may kanser sa atay.
- Dermatomyositis
- Ang mga pasyente na may sakit sa balat na ito ay may pagkasensitibo sa sinag ng araw at kulay ube o pulang mga pantal sa talukap ng mata, noo, braso at mga kamay.
- Karaniwang namamaga ang apektadong balat.
- Madalas nangyayari ang kahinaan ng kalamnan.
- Ang sakit sa balat na ito ay maaaring mangyari sa mga pasyente sa may panloob na kanser.
- Arsenical Keratoses
- Ang sakit sa balat na ito ay nagpapakita ng parang-mais na pagkatigas sa balat na nagreresulta mula sa talamak na paglunok ng arsenic (karaniwang tradisyunal na gamot ng mga Intsik)
- Ang arsenic ay matatagpuan sa ilang erbal na gamot na dating ginagamit sa paggamot ng hika.
- Ang mga sakit sa balat ay unang bumubuo sa mga palad at talampakan at sa gitnang parte ng katawan at sa mga braso at paa. Sa pagdaan ng panahon, ang indibidwal na sugat ay maaaring maging kanser.
- Ang sakit sa balat ay maaaring nauugnay sa mga kanser ng baga, lalamunan at genito-ihi.
- Paget’s Disease of the Nipple (EMP)
- Ang sakit na Paget sa utong ay nagpapakita bilang mapula, at magaspang na tagpi sa paligid ng utong.
- Ang sakit sa balat na ito na maaaring mapagkamalan bilang eksema ay madalas na nauugnay sa kanser sa suso.
Paget’s Disease of the Nipple (Histology)
- Exfoliative Erythroderma
- Ang mga pasyente na may kondisyon na ito ay namumula at nangangaliskis sa halos buong parte ng katawan. Maaaring magkaroon ng pamamaga sa balat, lagnat, at paghina.
- Halos 10 hanggang 15% ng mga pasyente ay may panloob na kanser, na karaniwan ay lymphoma (kanser ng mga selula ng glandula ng lymph).
- Peutz-Jegher’s Syndrome
- Ang kondisyong ito ay may kayumanggi o itim na batik sa labi at sa loob ng bibig.
- Ito ay minamana sa pamaraang autosomal, ngunit hanggang 50% ng mga pasyente ay hindi nagkakaroon ng anumang predisposisyong familial para sa kalagayang ito.
- Ang maliit na porsyento ng mga pasyente ay may kaugnay na kanser sa tiyan, suso o obaryo.
Peutz-Jeghers Syndrome
- Neurofibromatosis
- Ito ay minamarkahan ng maramihang mga kaaya-aya tumor (neurofibromas) sa balat.
- Dalawa hanggang 5% sa mga pasyente ang nagkakaroon ng panloob na kanser. Ang mga pasyenteng ito ay maaaring magkaroon ng mga tumor sa utak (astrocytoma, glioblastomas) at adrenal glands (phaeochromocytomas). Ang mga pasyente na may neurofibromatosis na sumasakit ang ulo, likod o may hypertension ay dapat na sinisiyasat para sa mga panloob na kanser.
Neurofibromatosis
2. Karamdaman sa Balat Dulot Ng Pagkalat Ng Kanser Sa Balat
- Ang anumang panloob na kanser ay pwedeng kumalat sa balat. Ang mga sakit sa balat dahil sa pagkalat ng mga panloob na kanser ay tinatawag na « metastases ».
- Ang mga tumor na pinakamadalas pagsimulan ng metastases sa balat ay ang kanser sa baga, kanser colorectal at kanser sa suso. Ang pagkakaroon ng metastases sa balat ay karaniwang nangangahulugan na ang mga panloob na kanser ay kumalat na sa iba pang mga organo.
- Lugar
- Ang ilang mga lugar ay pinapaburan ng mga partikular na tumor bagaman ang pagpahayag na may kasaklawan ay hindi posible.
- Halimbawa, ang anit, mukha at leeg ang mga pinakakaraniwang lugar ng metastases mula sa mga kanser sa dibdib, baga at bibig lukab.
- Ang metastases sa dibdib ay madalas nagmumula sa mga kanser sa dibdib o baga.
- Ang pangalan na « Sister Joseph nodule » ay ibinigay sa metastases sa pusod mula sa kanser sa tiyan, pelvis o dibdib.
- Klinikal Na Tampok
- Ang metastases sa balat ay maaaring lumitaw bilang solo o maramihang mga bukol.
- Ang mga bukol ay karaniwang mahigpit, matigas o madaling galawin at di-malambot.
- Madalas na ang mga ito ay mabilis na lumalago sa 1 hanggang 3 cm ang lapad.
- Ang kulay ay nag-iiba at at maaaring mapula, kayumanggi, asul, itim o laman kulay.
- Pamamahala
- Kapag pinaghihinalaan ang metastasis sa balat, dapat tanggalin sa operasyon ang isang ispesimen ng sugat (balat byopsya) upang kumpirmahin ang pagsusuri.
- Kung ang metastasis na nakakakanser ay nakumpirma na ang pasyente ay dapat sumailalim sa pagsisiyasat upang matukoy ang lugar ng mga panloob na kanser.
- Ang paggamot ng pasyente ay depende sa uri ng pangunahing tumor, sa antas ng pagkalat nito at ang kabuuang pisikal na kondisyon ng pasyente. Kabilang sa mga medikal na pagpipilian para sa paggamot nito ang radiotherapy at chemotherapy.
© 2009
Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland
National Skin Centre. Singgapur
Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna
Français English Deutsch русский язык Italiano Português 日本語
Category : Palatandaan Sa Balat Ng Mga Panloob Na Kanser - Modifie le 03.3.2012