Section : Mga Sakit Sa Balat

Diskarga Sa Ari Ng Babae (Tagalog)

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

Ano ang diskarga sa ari ng babae ?

Ito ay nagmumula sa lumalabas sa ari ng babae at ang kulay nito ay maaaring:

  •     malinaw
  •     maputi nang bahagya
  •     madilaw-dilaw
  •     maberde

Ang diskarga ba sa ari ng babae ay abnormal ?

  • Hindi, ang pisyolodyiko na diskarga sa ari ng babae ay maaaring mangyari.
  • Ang mga ito ay dahil sa mga lumalabas na galing sa mga selula o cells na matatagpuan sa pader ng ari ng babae at ng serviks.
  • Ang dami at ang likas na katangian ng pisyolodyiko diskarga sa ari ng babae ay maaaring mag-iba sa:
  1.     edad
  2.     ang ikot panregla
  3.     sekswal na aktibidad

Kailan ba nagiging abnormal ang diskarga at ano ang mga dahilan ?

  • Ang labis na diskarga sa ari ng babae, madilaw-dilaw o maberde ang kulay o may hindi kasiya-siya amoy ay itinuturing na hindi normal.
  • Maaari itong magmula sa impeksiyon:
  1.     Fungi: trus sa ari ng babae (Candida Albicans) halimbawa
  2.     Bakterya: Neisseria Gonorrhoea at ang Chlamydia Trachomatis halimbawa
  3.     Protosowa: Trichomonas Vaginalis halimbawa
  4.     Virus (Herpes Simples Virus) at mga kulugo sa ari (Human Papillomavirus) halimbawa
  •  Minsan, ang diskarga sa ari ng babae ay maaaring dahil sa hindi nakakahawang mga dahilan:
  1.     Mga polip sa serviks
  2.     Pagtubo na makanser
  3.     Mga banyagang materyal (tampons halimbawa)

Paano ba natin malalaman ang pinagmulan ng diskarga sa ari ng babae ?

  • Kasaysayan, pisikal na eksaminasyon at mga naaangkop na pagsusulit sa laboratoryo ang magpapagana sa iyong duktor upang matukoy ang dahilan.

A) Ano ang trus sa ari ng babae ?

  • Ang halamang-singaw na ito ay matatagpuan sa normal na balat at sa puki, ngunit sa ilalim ng ilang mga pangyayari (diyabetis, pagbubuntis, paggamot ng steroid, pagpigil sa pagbubuntis, antibiotiko), ito ay mabilis na dumadami para humantong sa diskarga sa ari ng babae.
  • Sa karaniwan, ang trus sa ari ng babae ay hindi nakukuha sa pagtatalik. Gayunpaman, ang mga sekswal na kasosyo ng mga nahawaang mga indibidwal ay maaaring bumuo ng impeksiyon sa titi.
  • Paano ba ginagamot ang trus sa ari ng babae ?
  1. Ang mga pesari ay ipinapasok sa ari ng babae at ang mga ito ay ang pinaka-madalas na ginagawa (clotromazole, miconazole).
  2. Ang mga gamot sa halamang-singaw na iniinom (ketoconazole, itraconazole, fluconazole …) ay maaaring ireseta sa mas malubha at pabalik-balik na mga impeksiyon.
  3. Ang mga kalakip na dahilan (diyabetis, antibiotics …) ay dapat na kontrolado o tigilan.

B) Ano ang gonorrhea ?

  •     Sa mga babae, ang gonorrhea ay maaring pagpakita ng maberde o naninilaw na diskarga (tingnan ang « gonorrhoea’’)
  •     Ang kahirapan sa pag-ihi ay maaari ring makikita (sakit at nasusunog na pakiramdam kapag umiihi).

C) Ano ang chlamydial cervicitis (pamamaga sa serviks dulot ng chlamydia)

  • Ito ay impeksyion na maaring makuha sa pagtatalik at nagmumula sa bakterya na chlamydia trachomatis.
  • Ano ang mga sintomas ng chlamydial cervicitis?
  1. Maaring magpakita ito bilang diskarga sa ari ng babae na nangyayari 1 hanggang 3 linggo pagkatapos makipagtalik sa isang nakakahawang indibidwal.
  2. Ito ay maaaring samahan ng sakit kapag umiihi.
  3. Gayunman, karamihan sa mga kababaihan na may chlamydial impeksiyon ay hindi nagkakaroon ng anumang mga palatandaan o sintomas.
  • Ang impeksiyon ay kailangang ikaiba mula sa iba pang mga dahilan ng diskarga sa ari ng babae, lalo na ang tulo at trichomoniasis.
  • Ang impeksyon mula sa chlamydia na matagal na ay maaring kumalat sa iba pang mga parte ng palanggana o pelvis (Fallopian tube at obaryo) na hahantong sa :
  1.     sakit
  2.     ectopic na pagbubuntis
  3.     pagiging pagang
  • Ang impekisyon ay maaring manghawa sa mga sanggol at magdulot ng pagkabulag (optalmya neonatorum) at pulmonya.
  • Paano masuri ang chlamydial cervicitis ?
  1. Ang bakterya ay nakikita sa pamamagitan ng pagpatubo ng mga lumalabas mula sa serviks (o iba pang mga parte kung may katuturan).
  2. Mayroon ding direktang pagsubok ng antigen at pagpapalaki ng mga nucleic acids (PCR: polymerase chain reaction).
  3. Ang pagsubok sa dugo ay hindi kapaki-pakinabang sa pagsuri ng kalagayan na ito.
  • Paano ginagamot ang chlamydia cervicitis?
  1. Ang mga iniinom na antibiotiko (tetracycline, érythromycin and azithromycin) ay ang paggamot na pinipili.
  2. Mga iniksyon at pagpasok ng mga pesari sa puki ay hindi kapaki-pakinabang.

D) Ano ang trichomoniasis ?

  • Ito ay impeksyon sa dulot ng protosowa na kung tawagin ay Trichomonas Vaginalis.
  • Ano ang mga sintoma ng trichomoniasis ?  
  1.    Ang pinaka-karaniwang klinikal na makikita ay ang labis-labis na diskarga sa ari ng babae na maberde at may napakaruming amoy.
  2.     Ito ay maaaring may kasamang pangangati at iritasyon ng vulva at puki.
  3.     Ito ay naiiba sa tulo (gonorrhea) at mga chlamydial impeksiyon.
  • Paano sinusuri ang trichomoniasis ?
  1. Ang protozoa ay makikilala sa pamamagitan ng mikroskopikong pagsusuri ng naglalabas mula sa puki o sa serviks.
  2. Ang pagpapatubo ng naglalabas na mga sekresyon ang nagbibigay kumpirmasyon sa pagsuri nito.
  • Paano ginagamot ang trichomoniasis ?
  1. Ito ay ginagamot ng iniinom na metronidazole (antibiotiko) sa loob ng isang linggo.
  2. Ang mga magsosyong sekswal ay dapat din gamutin upang maiwasan ang muling pagka- impeksiyon.

E) Ano ang bacterial vaginosis ?

  • Ito ay isang madalas na impeksyon ng bakterya sa kababaihan. Ito ay sinasamahan ng :
  1. Diskarga sa ari ng babae
  2. amoy
  3. sakit
  4. pangangati
  5. napapasong pakiramdam
  • Ito ay dahil sa hindi balanse na pagtubo ng normal na bakterya.
  • Ang mga kababaihan na may isang bagong sekswal na kasosyo o may maramihang mga kasosyo sa sex ay nagdadala ng mas mataas na panganib ng pagbuo ng impeksiyon. Ang mga kababaihan na hindi nagkaroon ng sex ay bihirang naaapektuhan.
  • Paano sinusuri ang bacterial vaginosis ?
  1. Sa pamamagitan ng mga senyales na klinikal (diskarga sa ari ng babae, amoy ng lumalabas)
  2. Mga laboratoryong pagsusulit sa parte o sample ng tubig galing sa puki.
  • Paano ginagamot ang bacterial vaginosis ?
  1. Ito ay ginagamot sa pamamagitan ng pag-inom ng mga antibiotiko. Dalawang gamot ang inirerekomenda – metronidazole o clindamycin.

Ano ang dapat kong gawin kung sa tingin ko abnormal ang aking diskarga sa puki?

  • Kumunsulta sa isang medikal na duktor sa lalong madaling panahon.
  • Pigilin ang sarili sa pakikipagtalik.
  • Huwag gamutin ang sarili.
  • Ipagbigay-alam sa iyong duktor kung may anumang alerhiya sa gamot.
  • Kumpletuhin ang paggamot na inireseta ng iyong duktor.
  • Humiling sa iyong sekswal na kasosyo o mga kasosyo na magpatingin din sa medikal na duktor.

© 2009

Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland

National Skin Centre. Singgapur

Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna

العربية 中文-汉语 中文-漢語 Deutsch Español Français Italiano Português русский язык 日本語


Category : Diskarga Sa Ari Ng Babae - Modifie le 02.25.2012