Mga Reaksyon Sa Gamot (Alerhiya sa Gamot) (Tagalag)
Ano ang mga pekas?
- Ang mga pekas ay maputla at kulay-kayumangging mga patak na mas mababa sa 5 mm ang lapad at may mga hangganan na hindi madaling matukoy.
- Ang mga ito ay unang napapansin sa panahon ng pagkabata at karaniwang makikita sa mga indibidwal na may maputing balat.
- Ang mga ito ay umiitim habang nakalantad sa araw at karaniwang makikita sa mukha.
- Ang mga ito ay dulot ng tumataas na bilang ng mga melanin sa loob ng mga pigment cell. Ang bilang ng mga pigment cell ay normal.
Mga Pekas
Paano ginagamot ang mga pekas?
- Iwasan ang pagkakalantad sa sikat ng araw para mabawasan ang pangingitim (pigmentation).
- Dapat iwasan ang sikat ng araw hangga’t maaari at palaging gumamit ng sunscreen (produktong panlaban sa sikat ng araw).
- Ang sunscreen ay dapat magkaroon ng SPF (sun protection factor) na 15 pataas.
- Maaaring gumamit ng camouflage make-up
- Ang mga pekas ay maaaring tumugon sa mga kemikal na pampabalat at laser na paggamot.
© 2009
English Français Italiano Español русский язык Deutsch 中文–漢語 日本語 Português
Related posts