Mga Reaksyon Sa Gamot (Alerhiya sa Gamot) (Tagalag)
Seborrhoeic dermatitis (balakubak)
- Ang dahilan ng seborrhoeic dermatitis ay hindi kilala. Mayroong dalawang uri ng seborrhoeic dermatitis:
- (i) pambatang seborrhoeic dermatitis-karaniwang makikita sa mga bagong-silang na mga sanggol
- (ii) Pangmatandang seborrhoeic dermatitis – karaniwang makikita sa gitnang-gulang na mga matatanda.
- Ang seborrhoeic dermatitis ay nagpapakita bilang madilaw-dilaw at masebong mga kaliskis sa anit. Ang kalakip na balat ng anit ay pula. Sa banayad na sakit lamang makikita na apektado ang tagpi-tagping mga lugar ng anit. Sa mas matinding mga kaso, maaaring may nagkakalat na pangangaliskis at pamumula.
- Ang seborrhoeic dermatitis ay maaaring makakaapekto sa balat ng kilay, panloob ng pisngi, dibdib, likod at singit.
- Ang kalagayan ay maaari o hindi maaaring maging makati.
- Ang seborrhoeic dermatitis ay hindi isang fungal na impeksiyon bagaman ang lebadurang impeksiyon ay iniuulat na nauugnay sa seborrhoeic dermatitis.
- Ang mga pasyenteng may HIV impeksyon ay maaaring bumuo ng napakalubhang seborrhoeic dermatitis.
- Ang paggamot ng seborrhoeic dermatitis ay binubuo ng banayad na antiseptiko o mga antifungal shampoo at banayad na steroid losyon o gel sa balat. Ang kundisyon na ito ay pabalik-balik.
Psoryasis Ng Anit
- Ang Psoryasis ay namamagang sakit sa balat na may dumadaming pagtubo ng mga selula ng balat.
- Ito ay nagpapakita bilang mga plakang may makapal na kaliskis na lumilitaw sa balat at anit. Ang mga sakit sa balat ay lumilitaw bilang nangangaliskis na plaka sa anit at lugar na pinagtutubuan ng buhok at madalas ay umaabot sa balat ng noo at gilid ng anit. Ang mga plaka ay kulay rosas at natatabunan ng kulay-pilak na mga kaliskis.
- Ang psoryasis ay karaniwang di-makati.
- Ang mga pagbabago sa kuko ay maaring mangyari.
- Ang psoryasis ng anit ay ginagamot ng alkitran na shampoo at alkitran na pamahid o steroid spray o gel sa balat.
Contact Dermatitis at Alerhiya Sa Balat
- Ang Contact dermatitis ay kondisyong may pamamaga na ang sanhi ay panlabas na ahente.
- Ang irritant contact dermatitis ng anit ang maaaring mangyari mula sa masyadong paggamit ng shampoo na may gamot, mga kemikal halimbawa losyon-pampaputi, losyon-pampakulot at labis na init na inilalapat sa anit.
- Maraming mga preparasyon sa buhok at anit ang maaaring maging sanhi ng mga alerhiya sa balat. Ang pinakakaraniwang sanhi ng allergic contact dermatitis ng anit ay alerhiya sa tina ng buhok. Ang iba pang mga posibleng nagpapaalerhiya ay ang pabango sa losyon ng buhok, kemikal sa losyon-pampakulot at ang mga gamot/ mga preserbatibo sa mga shampoo at losyon ng buhok / anit.
- Ang dermatitis ay nagpapakita bilang makati at nangangaliskis na pulang mga tagpi sa anit, pinagtutubuan ng buhok at tenga. Sa unang antas, may mga bulutong at pamamaga na maaring mangyari. Makikita rin ang pamamaga ng takipmata.
- Dapat kumunsulta sa duktor kung mayroon kang mga sintomas ng contact dermatitis para sa paggamot at pagsisiyasat upang malaman ang dahilan ng dermatitis. Ang mga panukalang pagpigil ay maaaring gawin upang maiwasan ang pag-ulit nito. Ang patch test ay kinakailangang gawin upang malaman ang sanhi ng alerhiya.
Lichen Planus
- Ang lichen planus ay namamagang sakit sa balat na maaaring magdulot ng pagkakalbo at pagkakapilat mula sa mga tagpi sa anit.
- Ang dahilan ng lichen planus ay hindi malaman.
- Nagsisimula ito sa anit bilang mamula-mula at kulay-ubeng mga tagpi o plaka na maaaring lumaki sa pagkawala ng buhok. Sa pagkawala nito, ang apektadong balat ay may mga galos at panot. Ang mga sakit sa balat ay madalas na makati, kabilang na ang mucosa ng bibig at ang mga kuko. Sa iba pang mga bahagi ng katawan, ang lichen planus ay nagpapakita bilang maasul at nangangaliskis na makating tagpi.
- Ang lichen planus ay karaniwang nawawala ng kusa pagkatapos ng ilang taon.
- Ang lichen planus ng anit ay dapat magamot ng maaga upang maiwasan ang pagkakapilat at permanenteng pagkakalbo. Ang pinipiling paggamot ay ang paggamit ng mga steroid o mga iniksyon ng steroid sa apektadong balat.
Discoid Lupus Erythematosus (DLE)
- Ito ay isang autoimmune na sakit na nag-aapekto sa balat.
- Ito ay nagpapakita bilang kalbo at nangangaliskis na mapupulang mga tagpi sa anit. Ang balat ay nagiging manipis at nagpapakita ng mga ugat sa mga tagpi. Ang pagkawala ng buhok sa mga tagping ito ay kitang-kita at madalas na nagiging permanente. Ang sugat ng balat ay hindi masakit at hindi makati. Ang iba pang mga lugar ng balat halimbawa ang mukha at mga tenga ay madalas apektado. Ang sakit sa balat na ito ay madalas magiging sensitibo sa araw.
- Ang mga pagsusulit sa laboratory kabilang ang byopsya sa balat ay kinakailangan upang kumpirmahin ang pagsusuri.
- Ang DLE ay dapat magamot agad upang maiwasan ang progresibong pagkakapilat at pagkakalbo ng anit. Mayroong mabisang paggamot ng sakit na ito ngunit ang mga pilat ay karaniwang hindi nagreresponde sa paggamot.
- Paminsan-minsan, ang mga panloob na parte ng katawan halimbawa ang mga baga, bato at puso ay maaaring maapektuhan ng sakit at humantong sa kondisyon na kung tawagin ay systemic lupus erythematosus.
- Samakatuwid, ang mga regular na check-up sa iyong doktor ay kinakailangan kung nagdudusa ka mula sa DLE.
Discoid Lupus Erythematosus
Alopecia Areata
- Ito ay sakit sa balat na autoimmune.
- Madalas na naaapektuhan ang anit. Ito ay nagpapakita bilang isa o higit pang mga kalbong tagpi sa anumang bahagi ng anit. Madalas ito ay hindi nagpapakita ng anumang pamumula o pangangati. Nalalagas ang mga buwig ng buhok pagkalipas ng ilang araw lamang at nag-iiwan ng ganap na kalbong tagpi. Ang kalakip na balat ay lumilitaw na normal.
- Ang dahilan ng alopecia areata ay hindi kilala.
- Karamihan sa mga pasyente ay kusang gumagaling pagkatapos ng ilang buwan.
- Sa mga malubhang kaso, ang buong anit ay maaaring maapektuhan at humantong sa kumpletong pagkakalbo.
- Ang sakit ay bihirang nauugnay sa iba pang mga sakit sa balat halimbawa sa sakit sa teroydeo.
- Ang paggamot ay binubuo ng mga iniksiyon ng steroid o pagpipinta ng apektadong balat gamit ang kemikal na nagdudulot ng alerhiyang reaksyon sa mga regular na pagitan. Dapat kang sumangguni sa iyong duktor para sa maagang paggamot. Makikita ang makinis at di-nagkakapilat na lugar ng pagkakalbo.
Alopecia Areata
© 2009
Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland
National Skin Centre. Singgapur
Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna
Español Italiano Português English Français 日本語 Deutsch 中文-漢語 русский язык
Related posts