Ano ang mga kanser sa balat?
Mayroong maraming mga uri ng kanser sa balat. Ang tatlong karaniwang kanser sa balat ay:
1. Squamous Cell Carcinoma (SCC)
- Ito ay nagpapakita bilang matigas at irregular na malamang paglago na karaniwan sa mga parte ng balat na nakalantad sa sinag ng araw.
- Ang paglago ay maaaring lumaki at magiging isang malaking bukol na maaaring bumuo ng isang ulser.
- Kung hindi magamot, ang kanser ay maaaring kumalat sa nakapaligid na mga kulani.
- Ang SCC ay karaniwang lumilitaw sa mga matatandang pasyente. Ang matagal na pagkakalantad sa araw ay isang mahalagang kadahilanan na nag-aambag sa pagbuo ng ganitong uri ng kanser sa balat.
Squamous Cell Carcinoma
- Ang sakit na Bowen (Bowen’s disease) ay isang uri ng squamous cell kanser na limitado sa mababaw na bahagi ng balat (intraepithelial). (Sa bahagi ng ari, ito ay tinatawag din na Erythroplasia ng Queyrat o VIN III (Vulval Intraepithelial Neoplasia)
Bowen’s Disease
Pag-aaral sa mga tisyu ng sakit na Bowen (Bowen’s disease): May pagkawala ng organisasyon ng panlabas na bahagi ng balat (pagkawala ng pagka-polar) at mayroong pangit na mga selula ng balat (dysplastic keratinocytes). Gayunpaman ang mga selula ay hindi mapalawak nang higit sa panlabas na bahagi ng balat
2. Basal Cell Carcinoma (BCC)
- Ito ay isang mabagal na lumalagong kanser sa balat na hindi masakit.
- Ang kanser ay madalas nagpapakita bilang indolenteng ulser na may makintab o maaninag at mataas na palugid. Madalas makulay ang ulser.
- Ang kanser na ito ay karaniwang lumilitaw sa mukha.
Basal cell carcinoma
3. Malignant Melanoma
- Ito ay kanser ng mga selula ng kulay ng balat.
- Ito ay masyadong mapagpahamak na kanser sa balat.
- Ito ay nagpapakita bilang matingkad na kayumanggi o itim na paglago sa balat o ulser. Maaari itong magpakita bilang mga ordinaryong nunal. Ngunit hindi katulad sa mga karaniwang nunal:
- mabilis ang paglago nito
- ang ibabaw nito ay may ilang mga lilim ng mga kulay na pula, itim o bughaw.
- ang mga palugid nito ay irregular
- ito ay lumalaki
- ito ay kumakapal
- Ang melanoma ay bihira sa mga Asyano kung saan ang ito ay nangyayari sa mga daliri, paa at mukha.
Mababaw at Kumakalat na Malignant Melanoma (Superficial spreading malignant melanoma)
Paggamot sa Mga Kanser Sa Balat
- Ang mga kanser sa balat ay dapat alisin sa lalong madaling panahon.
- Ang mga tumor na nakakakanser ay dapat sirain or alisin sa pag-oopera.
- Minsan, ang isang maliit na piraso ng tumor ay inalis (balat byopsya) muna para sa pagsusuri upang kumpirmahin kung ito ay may kanser.
© 2009
Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland
National Skin Centre. Singgapur
Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna
English Español Français Italiano Português 日本語 русский язык Deutsch