Eksema sa Kamay (Hand eczema) (Tagalog)
- Ang alerhiya sa gamot ay hindi kanais- nais na epekto ng mga bawal na gamot o mga gamot na iniinom (o ini- iniksyon) sa ating mga katawan. Ang reaksyon sa gamot ay nahahati sa hindi pagka-hiyang at alerhiya. Ang mga alerhiyang reaksyon sa gamot ay maaaring maka- apekto sa balat pati na rin sa mga laman- loob ng katawan.
- Mahalaga para sa isang tao na makilala ang mga gamot kung saan siya ay may alerhiya, dahil ang alerhiyang reaksyon sa gamot ay maaaring magbanta sa kanyang buhay. Sa sandaling ang isang tao ay magkaroon ng alerhiya sa isang gamot, siya ay mananatiling hindi hiyang sa gamot na ito panghabang buhay. Ang gamot na ito ay kailangang iwasan ng tuluyan. Ang mga gamot ay maaari ring maging sanhi ng kasalungat na mga reaksyon sa iba pang mga paraan (pigmentasyon, pagkawala ng buhok, pagsusuka, pagtatae … )
Ano ang mga sintomas sa balat at palatandaan ng mga alerhiya sa gamot?
- Madalas ang balat ang pinaka- halatang organ ng ating katawan na naaapektuhan ng alerhiya sa gamot. Habang ang karamihang mga reaksyon sa balat ng mga alerhiya sa gamot ay banayad, ang ilang mga reaksyon ay maaaring magbanta sa buhay.
A. Ang mga malubhang reaksyon sa balat dulot ng mga alerhiya sa gamot ay kabilang ang mga sumusunod:
- Tagulabay/ Angioedema/ Anaphylaxis
- Ang tagulabay (pantal) ay kahawig ng kagat ng insekto base sa hitsura nito
- Lumilitaw ito bilang makati at mapula, namamaga at makapal na mga tagpi sa mga kamay, paa at katawan at bilang pamamaga ng mga talukap ng mga mata at ng mga labi. Lumilitaw ito ng masyadong mabilis; kadalasang sa loob lang ng mas mababa pa sa 60 minuto pagkatapos ng paglunok ng gamot. Ang pamamaga na nangyayari sa mga daluyan ng hangin ay maaaring magresulta sa pagpigil sa paghinga, pagkasakal at kamatayan.
- Erythema Multiforme (Stevens Johnson Syndrome)
- Ito ay isang matinding reaksyon ng balat na nagpapakita bilang pula at bilugan na mga tagpi na kahawig ng mata ng toro na makikita sa mga kamay, mga paa at katawan. Ang mga tagping ito ay may posibilidad na lumaki at maging sama-sama. Ang mga paltos ay maaaring bumuo sa balat at maaaring magdulot ng pagbabalat. Ang mga takip ng mga mata, ang bibig at ang maselang bahagi ng katawan ay maaaring magbalat. Kung hindi makilala at maggamot ng maaga, kamatayan ay maaaring mangyari.
B. Hindi masyadong matinding mga reaksyon ng mga gamot sa balat
- Mala-tigdas na mga pantal (morbilliform) – maculo-papular na mga pantal sa balat
Morbilliform Drug Eruption
- Ito ay ang pinakakaraniwang hitsura ng mga alerhiya sa gamot. Ang mga pantal ay binubuo ng mga maliit at mapula-pulang pantal na parang ulo ng aspili at mga pantay at mapulang mga tagpi sa mga kamay, mga paa at katawan na parang kahawig ng tigdas. Ang pantal ay madalas na makati. Ang pantal ay karaniwang lumilitaw ilang araw pagkatapos inumin ang gamot.
- Fixed Drug Eruption
- Ito ay isang uri ng lokal na alerhiya sa mga gamot. Ilang araw pagkatapos ng pag-inom ng gamot, isa o dalawang maliit o malaki at hugis itlog o bilog na mga tagpi ang lumilitaw sa anumang bahagi ng balat. Ang sugat ay nagiging madilim pagkatapos ng ilang buwan bago tuluyang maglaho. Ang sugat sa balat ay bumabalik sa parehong lugar kapag ang tao ay umiinom ng gamot.
Fixed Drug Eruption
Ano ang mga gamot na madalas maging sanhi ng alerhiya?
- Ang anumang mga gamot ay maaaring maging sanhi ng alerhiya sa gamot. Ang mga sumusunod ay ang mga karaniwang mga gamot na nagdudulot ng alerhiya:
- Analgesics (pamatay-sakit) at anti-reumatismo halimbawa ang aspirin, paracetamol, indomethacin, Saridon.
- Antibiotiko halimbawa ang penicillin, tetracycline, sulphonamides (Bactrim / Septrin).
- Anti-epileptics halimbawa ang phenytoin, carbamazepine.
Paano mo maiwasan ang mga alerhiya sa gamot?
- Iwasan ang paggamot sa sarili.
- Uminom lamang ng mga gamot ayon sa payo ng iyong doktor.
- Kumunsulta sa inyong doktor kaagad kapag pinaghihinalaan mo na ikaw ay may alerhiya sa gamot para makumpirma ito at madokumento ng permanente.
- Itala ang pangalan ng mga gamot na kung saan ikaw ay may alerhiya
- Laging ipaalam sa iyong doctor ang alerhiya mo sa mga gamot sa bawat konsultasyon.
Ano ang dapat gawin kapag nagsususpetsa ka na meron kang alerhiya sa mga gamot?
- Itigil ang lahat ng mga gamot ngunit huwag itapon ang mga ito.
- Magpakonsulta sa inyong doktor kaagad. Bumalik ka sa doktor na nagreseta ng iyong mga gamot. Kumuha ng kanyang payo.
- Ipakita ang lahat ng iyong mga gamot (kabilang na ang mga kamakailan-lamang na ininom at ang mga pangmatagalang gamot)
© 2009
Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland
National Skin Centre. Singgapur
Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna
English Español Français Deutsch 日本語 Português Italiano
Related posts