Mga Reaksyon Sa Gamot (Alerhiya sa Gamot) (Tagalag)
Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland
Ano ang Diabetes Mellitus?
- Ang diabetes mellitus ay isang pangkaraniwang sakit sa mga Westernized na bansa.
- Ang mga diabetiko ay may mataas na antas ng asukal sa dugo na kung hindi mahusay na kinokontrol ay maaaring humantong sa pangmatagalang komplikasyon na nag-aapekto sa iba’t-ibang mga organ sa katawan tulad ng mata, bato, sistema ng nerbiyos at mga daluyan ng dugo.
- Ang mga problema sa balat ay karaniwan sa mga diabetiko. Ang ilang mga sakit sa balat ay nauugnay sa diyabetis mellitus.
Ano Ang Ilan Sa Mga Karaniwang Sakit Na Nauugnay Sa Diabetes Mellitus?
- Sakit Sa Balat Ng Diyabetiko
- Ito ang pinakakaraniwang sakit sa balat na makikita sa mga diabetiko.
- Ito ay karaniwang matatagpuan sa mga lulod at lumilitaw bilang mga kayumangging peklat. Ang mga kayumangging batik na ito ay maaaring nagmula sa mga mapupula at namamaltos na mga dako.
- Ang dahilan nito ay ang abnormal na pagbabago ng mga maliliit na mga daluyan ng dugo sa balat.
- Walang tiyak na paggamot para sa sakit sa balat na ito. Ang kundisyong ito ay kusang gumagaling bilang mga malalalim na peklat.
- Kanggrena
- Ang mga hadlang sa mga malalaking daluyan ng dugo sa paa dahil sa diyabetis ay maaaring maging sanhi ng sakit na mararanasan sa matagal na paglalakad bilang resulta ng mahirap na sirkulasyon ng dugo. Ang matinding hadlang ay maaaring humantong sa nakakaganggrenang pagbabago ng mga daliri ng paa bilang resulta ng kamatayan ng tisiyu.
- Ang pagtitistis ay kinakailangan upang alisin ang mga patay na tisiyu at sa mga matinding kaso, ang pagputol ng paa o binti ay kinakailangan.
- Diyabetis Neuropasiya
- Ang diyabetis ay maaaring makapinsala sa mga nerbiyo na nagreresulta mula sa hadlang ng daluyan ng dugo sa mga nerbiyo.
- Ito ay maaaring maging sanhi ng nasusunog at nangingilabot na pakiramdam at pamamanhid ng mga paa.
- Ang mga pasyente ay may binawasan o pagkawala ng pandama ng sakit at maaaring magkaroon ng mga sugat sa balat at ulser sa paa dahil sa trauma kung hindi inaalagaan ng mabuti ang mga paa.
- Impeksyon Sa Balat
- Ang mga diabetiko ay mas madaling kapitan ng impeksyon sa balat. Halimbawa ay mga kuliti, pigsa at impeksiyon ng halamang-singaw.
- Ang ilan sa mga impeksiyon ay maaaring maging malubha at nangangailangan ng agarang medikal na atensiyon halimbawa ang mga karbunkul, na malalim na impeksiyon ng bakterya sa follicle ng buhok (maga) at ng selyulitis na isang malalim na impeksiyon sa balat.
- Madalas na nagpapakita ang selyulitis bilang mapula, mainit at malambot na pamamaga ng binti.
- Ang Necrotising fasciitis ay isang malubha at nakamamatay na impeksyon sa balat na maaaring bumaba sa mga kalamnan at nangangailangan ng agarang paggamot at pag-opera. Ito ay nagpapakita bilang masakit, namamaga at madugong pamumugto o pamamaltos ng balat.
selyulitis (cellulitis)
- Necrobiosis Lipoidica
- Ito ay isang bihirang komplikasyon ng diyabetis, muli dahil sa maliit na daluyan ng dugo na sakit sa balat.
- Ang mga sakit sa balat ay karaniwang lumilitaw sa lulod. Ang apektadong balat ay may mapula at kayumangging mga hangganan na may madilaw-dilaw na sentro.
- Minsan, ang simula ng sakit sa balat na ito ay maaaring pangunahan ang diyagnosis ng diyabetis kaya ang mga pasyente na may sakit sa balat na ito ay kailangang masuri para sa diyabetis.
Necrobiosis Lipoidica
- Acanthosis nigricans
- Ito ay isang paghahayag sa balat ng diyabetis mellitus.
- Ito ay tanda rin sa balat ng mga panloob na sakit pati na ang ilan sa mga minamanang sakit at panloob na kanser.
- Ito ay karaniwang makikita sa mga taong napakataba.
- Ang mga pagbabago sa balat ay nagpapakilala bilang mga madilim, kayumangging-itim makinis at makapal na mga tiklop sa balat sa mga parte tulad ng kilikili, itaas ng likod, leeg at mga singit.
Acanthosis Nigricans
- Xanthomas and Xanthelasma
- Ang mga diabetiko ay madalas na magdusa mula sa mataas na antas ng taba (kolesterol at triglycerides) sa dugo. Ito ay nagiging sanhi ng pagdeposito ng taba sa balat at magpresenta bilang mga xanthoma o xanthelasma.
- Ang mga xanthoma ay walang sintoma, kulay- dilaw at matigas na mga bukol na karaniwang matatagpuan sa mga butuhan na siko, tuhod at mga takong. Minsan, ang itsura nito ay sinlaki ng ulo ng aspile at madilaw na bukol, na lumilitaw bilang mga ani sa puwit (pumuputok na xanthoma).
- Ang Xanthelasma ay tanda ng mataas na antas ng kolesterol sa dugo at nagpepresenta bilang dilaw na tagpi sa mga talukap ng mata.
- Ang paggamot ay naglalayon na gawing normal ang antas ng taba sa pamamagitan ng pandiyetang paghihigpit ng puspos na taba at kung kinakailangan, sa pamamagitan ng paggamot medikal gamit ang gamot na nagpapababa ng taba sa dugo.
- Granuloma annulare
- Ito ay sakit sa balat na karaniwang makikita sa mga bata at kabataang matatanda.
- Paminsan-minsan ito ay nauugnay sa diyabetis.
- Ang mga palatandaan sa balat ay nagpapakita sa pamamagitan ng mapupulang mga batik sa mga unang yugto na lumalawak palabas na parang singsing. Ang mga kamay, lalo na ang mga daliri, at siko ay karaniwang apektado.
- Kapag ang granuloma annulare ay kumakalat maaaring ito ay nauugnay sa kalakip na diyabetis mellitus. Maaaring pangunahan ng mga sakit sa balat ang mga sintomas at palatandaan ng diabetes mellitus. Ang mga pasyente na may kumakalat na granuloma annulare ay kailangang masuri para sa diyabetis mellitus.
Granuloma Annulare
Ano ang Dapat Gawin Kung Meron Kang Sakit Sa Balat na Nauugnay Sa Diyabetis?
- Kapag may mga malubhang komplikasyon tulad ng mga bacterial na impeksyon sa balat at kanggrena, humingi ng agarang medikal na atensiyon.
- Kumunsulta sa iyong doktor ng maaga. Maaaring kailanganin mo na maospital.
- Kung pabayaan na hindi magamot, ang mga komplikasyon ay maaaring makamamatay. Ang mga nahawaang ulser ay kailangang magamot ng mga antibiotiko.
Maaari Bang Pigilan Ang Mga Komplikasyon Sa Balat ng Diabetes Mellitus?
- Oo. Kung ang iyong diyabetis mellitus ay kinokontrol na rin, maraming mga problema sa balat ang magagamot.
- Ito ay nangangailangan ng pagsunod sa diabetikong pagkain, gamot at regular na pagpapasuri sa iyong doktor.
- Wastong pangangalaga ng balat at paa ay mahalaga:
- Huwag maglakad ng nakapaa. Ito ay upang maiwasan ang mga pinsala sa balat.
- Suriin ang inyong mga paa araw-araw para sa mga hiwa at sugat. Bigyan ng espesyal na atensiyon ang mga puwang sa pagitan ng daliri nga paa upang matingnan kung may pamamaga at impeksiyon.
- Magsuot ng tamang angkop na sapatos na hindi masyadong masikip o maluwag upang maiwasan ang trauma sa balat.
- Gupitin ng mabuti ang mga kuko sa daliri.
- Kung bumuo ang mga sugat o ulser sa balat, magpatingin sa duktor kaagad. Ang ilang mga palatandaan sa balat ay indikasyon din na may posibleng mga komplikasyon na nag-aapekto sa ibang parte ng katawan tulad ng mata at bato. Ang iyong doktor ang magsusuri ng mga komplikasyon na ito.
© 2009
Dr Christophe HSU – dermatologo. Geneva, Switzerland
National Skin Centre. Singgapur
Pagsasalin sa Tagalog: Dr Marie Gabrielle Laguna
English Français Português Italiano Español Deutsch 日本語 中文-漢語 русский язык
Related posts